top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Babala na magkakasakit

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 23, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lolita ng Tondo.



Dear Maestra,


Isa ako sa mga tagahanga ng column ninyo at gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.

Napanaginipan ko na nagwawalis ako sa bakuran namin, tapos bigla akong kinapos ng hininga at muntik nang bumagsak sa lupa. Mabuti na lang at nakita ako ng kapatid ko at tinulungan akong humiga sa kama. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lolita

Sa iyo, Lolita,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagwawalis ka sa bakuran ninyo ay dapat mong baguhin ang diskarte mo sa buhay. Kumbaga, pag-isipan mong mabuti kung tama o mali ba ito. Pagnilayin mo ang mga nagdaang karanasan sa buhay kung saan marami roon ang hindi maganda ang kinalabasan. Matuto ka sana sa mga pagkakamali mo at huwag nang ulitin pa ito.

Gayunman, ang sabi mo ay nahilo ka at sumama ang pakiramdam habang nagwawalis, ito naman ay nagpapahiwatig na huwag mong sobrahan ang pagtatrabaho. Ipahinga mo ang iyong katawan hangga’t maaari at huwag kang maging workaholic. Alalahanin mo, ang kalusugan ay higit pa sa kayamanan. Dapat mong bigyang-pansin ang iyong kalusugan dahil may babala ng pagkakasakit.




Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page