top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Babala na maging handa sa darating na kalungkutan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 11, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 11, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Cebu.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo r'yan sa Bulgar.


Napanaginipan ko na nakatayo ako sa lilim ng isang malaking punong kahoy. Ang lago ng mga dahon, kaya ang sarap mamahinga rito.


Habang nakatayo, napatingin ako sa kalawakan. Ang ganda ng ulap, maya-maya ay biglang dumilim na para bang may bagyong darating. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Cory


Sa iyo, Cory,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatayo ka sa lilim ng isang malaking punong kahoy, malago ang mga dahon kaya nasarapan kang mamahinga, ay magiging matatag, payapa, sagana, at punung-puno ng pagpapala ang buhay mo.


Lalago ang negosyo mo, masaya at nagmamahalan ang pamilya mo, pati mga kaibigan mo ay darami rin tulad ng malagong dahon ng punong kahoy.


Samantala, ang napatingin ka sa kalawakan, maganda ang ulap ay nagpapahiwatig ng kaligayahan at pagkakasundu-sundo sa inyong tahanan. Magiging masaya ang pamilya mo.


Ang biglang dumilim ang ulap na para bang may bagyong darating, ay nagbababala na maging handa ka sa hindi inaasahang problema na maaaring dumating na maging sanhi ng kalungkutan sa rati ay masaya, payapa at masaganang buhay na iyong tinatamasa.


Alalahanin mo ang buhay ay weather-weather lang. Hindi laging kalmado, darating at darating din ang mga pagsubok. Buksan mo ang iyong ang isipan, lawakan mo rin ang pananaw mo sa iyong buhay upang malampasan mo anumang hamon ng buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page