top of page
INSIDER - JULIE ANNE, KUMANTA KUNG BAKIT HINIWALAYAN NG FIRST LOVE-IG _myjaps & _aldenrich

Babala na magiging biyuda na poreber

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 24, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 24, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jojie ng Malabon.


Dear Maestra,


Magandang buhay sa inyong lahat d'yan. Isa ako sa marami n'yong tagasubaybay. Biyuda na ako at nag-iisa na lang sa bahay.


Napanaginipan ko na wala akong magawa kaya naisipan kong maglaro ng baraha, habang binabalasa ko ito, may biglang dumaan na pusa, at may kasunod itong tatlong kuting na ngiyaw nang ngiyaw.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jojie


Sa iyo, Jojie,


Maraming salamat sa pagsubaybay sa column ko. Ang ibig sabihin ng panaginip mo na wala kang magawa kaya naisipan mong maglaro na lang ng baraha, ay dapat mong bigyang pansin ang kahulugan na ipinahihiwatig ng baraha dahil may posibilidad na maganap ito sa totoong buhay. Ito rin ay nangangahulugang mananatili kang biyuda hanggang sa huling bahagi ng iyong buhay.


Samantala, ang may dumaang pusa habang naglalaro ka ng baraha, ay nagpapahiwatig na hindi tapat ang mga taong nakapaligid sa iyo, at may kinikimkim silang inggit sa iyo.


Ang tatlong kuting naman na ngiyaw nang ngiyaw, ay sign ng kaligayahan. Ang bilang na tatlo, ay tanda na dadaan ka muna sa mga pagsubok bago ka magtagumpay, at handa mong magsakripisyo ang lahat, alang-alang sa mga mahal mo sa buhay. Sa dakong huli, tatanggap ka ng gantimpala, yayaman at kikilalanin ka na rin sa inyong lugar.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page