Babala na mag-ingat sa pakikipag-chat
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 10, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Liza ng Tagbilaran.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nagsusulat ako ng letter para sa kaibigan ko na nasa malayong lugar, tapos may lumipad na langaw sa harapan ko at dumapo sa papel na pinagsusulatan ko. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Liza
Sa iyo, Liza,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagsusulat ka ng letter para sa kaibigan mo ay dapat kang mag-ingat sa iyong pakikipag-chat o pagsulat ng liham sa iyong kaibigan kahit ito ay maikli lamang.
Ito ay dahil maaaring magbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa halip na pagkakasundo at maayos na pagsasamahan. May posibilidad na ma-misinterpret ka ng sinumang padadalhan mo ng liham.
Samantala, ‘yung langaw na dumapo sa papel na pinagsusulatan mo ay nangangahulugang makatatanggap ka ng magandang balita mula sa malayong lugar.
Ikagagalak mo ito at magdudulot sa iyo ng ibayong kasiyahan. Papawiin nito ang lungkot na nadarama mo ngayon.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments