top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Babala na mag-ingat sa pagdedesisyon

BULGAR
Mar 14, 2021
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 14, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Vicente ng Tarlac.


Dear Maestra,


Isang mapagpalang araw sa inyo! Isa akong OFW at inabutan ako ng lockdown dito sa Pilipinas habang ako ay nagbabakasyon kaya hindi agad nakabalik sa abroad upang tapusin ang aking kontrata.


Madalas akong managinip ng eroplano sa himpapawid. Minsan naman ay nakasakay na ako at naglalakbay patungo sa ibang bansa para bumalik sa dati kong employer. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Vicente



Sa iyo, Vicente,


Ang ibig sabihin ng eroplanong natanaw mo sa himpapawid sa iyong panaginip ay nagpapahiwatig ng malaking pagbabago sa iyong buhay. Sa kasalukuyan ay dinaranas mo na ‘yan mula nang dumating ka sa Pilipinas galing sa ibang bansa. Halos hindi mo malaman ang gagawin dahil sa nararanasan mong hindi kanais-nais na mga pangyayari na sanhi ng COVID-19 pandemic. Gayundin, gustung-gusto mo nang makabalik sa ibang bansa kung saan malaki ang suweldo at kayang tustusan ang pangangailangan ng iyong pamilya rito sa Pilipinas.


Base sa panaginip mo, nakasakay ka na sa eroplano at naglalakbay na patungo sa dati mong pinapasukan. Ito ay isang babala na dapat kang mag-ingat sa lahat ng iyong kilos at pagpapasya. Kumbaga, huwag padalos-dalos. Mag-isip ka munang mabuti bago magpasya at humingi ng patnubay sa Diyos Amang kataas-taasan.


Samantala, may babala na malilinlang ka sa pagpirma-pirma ng mga papeles na kakailanganin sa pagbabalik mo sa dati mong employer, kaya ibayong pag-iingat ang dapat mong gawin. Basahin mo munang mabuti ang mga nakasulat sa iyong dokumento bago ito lagdaan, gayundin, pag-isipang mabuti ang nararapat gawin. Kung hindi ka mag-iingat, malamang na ang maganda mong pangarap sa buhay ay biglang guguho at hindi magkakaroon ng katuparan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page