top of page
Search
  • BULGAR

Babala na mabibiktima ng scam o budul-budol gang

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 13, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Valenzuela.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang dumi ng kamay ko dahil may pinupukpok ako sa aming dingding, pagtapos nu’ng ay nagising ako, at ang sakit ng kamay ko na para bang pinukpok ng martilyo.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Robert

Sa iyo, Robert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang dumi ng kamay mo, ay dapat kang mag-ingat sa pakikipagtransaksyon, dahil may posibilidad na mabiktima ka nang budul-budol gang o kaya naman ay masangkot ka sa isang scam. Mag-ingat ka sa mga ka-deal mo, at talasan mo ang iyong pakiramdam.


Samantala, ang ibig sabihin ng martilyo ay uunlad ka sa iyong negosyo kung iiwasan mo ang pandaraya sa iyong kapwa.


Ang pinukpok ng martilyo ang kamay mo, ay pansamantalang pagkalugi ng negosyong iyong pinaghirapan, pero makakabawi ka agad kung hindi ka mawawalan ng pag-asa at tuluy-tuloy na sasamantalahin ang magagandang pagkakataon.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page