Babala na mabibigo sa pag-ibig
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | June 28, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Nelly ng Bacoor, Cavite.
Dear Maestra,
Magandang buhay sa inyo r’yan sa Bulgar.
Napanaginipan ko na nakatanaw ako ng maliit na tao sa likod-bahay namin. Kinuha ko raw ‘yung microscope ko, dahil wala kaming telescope sa bahay.
Nang silipin ko sa microscope ay natawa ako sa sarili ko dahil hindi pala puwedeng microscope ang gamitin ko upang makita ‘yung maliit na nilalang.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Nelly
Sa iyo, Nelly,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatanaw ka ng maliit na tao sa likod bahay niyo, ay magandang kalusugan, malakas na pangangatawan, at magandang kalagayan sa buhay. Gaganda ang buhay niyo.
Samantala, ang kinuha mo ang microscope dahil wala kang telescope para silipin ‘yung maliit na nilalang na nakita mo, ay nagpapahiwatig na matutuklasan mo na ‘yung matalik na kaibigan mo ay hindi maaaring pagkatiwalaan, dahil palihim ka pala nitong sinisiraan.
Ang sumilip ka sa microscope, ito ay nangangahulugang magkakahiwalay kayo ng karelasyon mo. subalit hindi ito magtatagal, dahil muli siyang babalik sa iyo sa lalong madaling panahon.
Ang natawa ka sa sarili mo dahil hindi pala puwedeng gamitin ang microscope, ay senyales ng pagkabigo. Mabibigo ka sa pag-ibig. Mag-ingat sa pagbibitiw ng masasakit na salita sa iyong minamahal, dahil hindi niya matatanggap ito. Malulungkot siya ng todo at maaaring mauwi sa depression ang nararamdaman niya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments