top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babala na lolokohin ng mga kasosyo sa negosyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 20, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 20, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leonard ng Sta. Ana, Manila.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nahulog sa kanal ang minamaneho kong kotse at buti na lang, may tumulong sa akin na makaahon sa kanal. Tapos, uhaw na uhaw ako, at humingi ako ng tubig, pero walang nagbigay sa akin, hanggang sa may nag-abot na sa akin ng tubig para inumin ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Leonard


Sa iyo, Leonard,


Ang panaginip mo na nahulog sa kanal ang minamaneho mong kotse ay babala na mag-ingat ka sa mga kasosyo mo sa negosyo dahil may posibilidad na lokohin ka at hindi sila magiging tapat sa pakikipag-deal sa iyo.


Samantala, ang uhaw na uhaw ka at humingi ka ng tubig, pero walang nagbigay sa iyo ay nangangahulugan na makakaranas ka ng pag-iisa. Walang tutulong sa iyo sa sandali ng kagipitan at hindi ka nila papansinin. Gayunman, ang may nag-abot ng tubig para inumin mo ay pahiwatig na liligaya ka rin matapos ang mga pagsubok sa buhay.


Malalagpasan mo ito. Magiging matatag ka at punumpuno ng tiwala sa iyong sarili.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page