Babala na ‘di yayaman
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 19, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Brenda ng Cebu.
Dear Maestra,
May narinig akong iyak ng bata sa kalsada, kaya dali-dali akong sumakay sa kotse para tingnan ‘yung umiiyak na bata. Nang makita ko ‘yung bata, bumaba ako sa kotse at kinarga ko siya, tapos bigla siyang tumawa nang tumawa.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Brenda
Sa iyo, Brenda,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakita kang umiiyak na bata sa kalsada ay daranas ka ng kapighatian sa buhay. Kumbaga, may darating na mabigat na pagsubok sa buhay mo.
Ang biglang tumawa ang bata nang kargahin mo ay nangangahulugan na marami kang tapat na kaibigan na handang dumamay sa iyong kagipitan.
Samantala, ‘yung sumakay ka sa kotse para tingnan ‘yung batang umiiyak ay babala na may posibilidad na maging mahirap ka. Hindi ka yayaman gaya ng pinapangarap mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments