top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Babala na babagsak ang negosyo

BULGAR
Jul 11, 2021
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 11, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessica ng Bulacan.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyong lahat d’yan. Natutuwa at nasisiyahan ako sa pag-aanalisa n’yo ng mga panaginip. Nagkatotoo lahat ng sinabi n’yo tungkol sa panaginip ko kaya heto na naman ako para muling sumangguni sa inyo. May asawa at dalawang anak na ako. Selosa ako kaya naman ang asawa ko ay sobrang naiinis sa ugali kong ito. May maliit kaming grocery na siya naming pinagkakakitaan.


Napanaginipan ko kagabi na nagselos ako sa kapitbahay namin na bagong lipat. Maganda kasi siya at sexy pa. Galit na galit ako sa asawa ko at inaway ko siya nang todo at halos ipagtabuyan ko na. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jessica


Sa iyo, Jessica,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay pag-aalala at hindi pagkakaunawaan sa mga bagay na may kinalaman sa takbo ng inyong negosyo. May mga pangyayari na hindi n’yo inaasahan na magiging dahilan ng pagbagsak ng negosyo n’yo.


Gayundin, ang sabi mo ay galit na galit ka sa asawa mo dahil nagselos ka sa kapitbahay n’yo. Ito ay nagpapahiwatig na siya ay tapat sa iyo at mahal niya kayo ng mga anak n’yo. Hindi rin niya kailanman magagawang pagtaksilan ka, kaya mula ngayon, ipanatag mo ang iyong isipan. Magtiwala ka sa asawa mo at tanggalin mo na ang pagiging selosa. Hindi makabubuti sa inyong pagsasama kung palagi kang magseselos kaya tuloy hanggang sa panaginip mo ay dala-dala mo pa rin ang ugali mong ‘yan.


Manatili kang kalmado at mapagmahal upang ang pagsasama n’yo ay manatiling matatag, payapa at maligaya. Hanggang dito na lang. Maraming salamat sa patuloy mong pagsubaybay sa araw-araw na pag-aanalisa ko ng mga panaginip dito sa pahayagang BULGAR. Sumaiyo nawa ang pagpapala ng dakilang lumikha.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page