Babaeng security manager, pinagbabaril ng riding-in-tandem

ni Gina Plenago @News | September 25, 2026

Photo: Ang sasakyan ng 35-anyos na babaeng security manager ng isang condominium matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Makati City - Circulated photo
Pinagbabaril ang sasakyan ng 35-anyos na babaeng security manager ng isang condominium matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Makati City, Huwebes ng umaga.
Agad dinala sa ospital ang biktimang si alyas Jeannie, ng Armed Forces of the Philippines Officers Village Association, Inc. sa Taguig City, na nagtamo ng tama ng bala sa hita at binti habang tumakas naman ang mga suspek.
Base sa ulat ng tanggapan ni SPD Director P/BGen. Rodel Pastor, binabaybay ng biktima, sakay ng minamanehong Nissan Terra ang kahabaan ng Chino Roces Ave., alas-6:50 ng umaga nang pagbabarilin ng mga suspek na naka-uniform ng isang motorcycle taxi rider, pagsapit sa harap ng isang bangko, sa tabi ng Oriental Place, Brgy. Pio Del Pilar.
Tinitingnan ng pulisya na posibleng may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang motibo sa pananambang.





Comments