top of page
Search

Babaeng NBSB, ngayong taon mami-meet si Mr. Right

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | June 26, 2023



Dear Maestro,


Nais kong malaman kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at kailan kaya ito darating?


Sinu-sino rin ba ang ka-compatible ko? 26-anyos na ako at nababahala na ako, dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong nobyo. November 7, 1996 ang birthday ko.

Umaasa,

Ms. Scorpio ng Banga, Talisay, Batangas

Dear Ms. Scorpio,


Sa edad mong 26, tunay ngang dapat lang na magka-boyfriend ka na para ma-experience mo naman ang magkaroon ng kasintahan, dahil ikaw na nga ang nagsabi na ni minsan ay hindi ka pa nagkakanobyo.


Minsan okey din na mabahala o mag-alala tayo sa isang sitwasyon o kalagayan ng ating buhay, dahil malay mo kung ang pagkabahala na baka ika'y tumandang dalaga ang magtulak sa iyo upang dagdagan pa ang pakikipag-sosyalan at pakikipag-kaibigan sa cellphone o kaya’y social media.


Hindi masamang hanapin natin ang kapalaran lalo na’t pagdating sa pag-ibig at sa pakikipag-relasyon, higit lalo kung nararamdaman mo na ikaw ay tatandang dalaga at baka manatili na lang na virgin habambuhay, tulad ng mga pinsan ko na sina Yolly at si Ardy, magkapatid sila na parehong hindi nakatikim ng biyaya ng Diyos hanggang sa abutin sila ng Senior Citizens.


Kaya nga para magka-boyfriend ka Ms. Scorpio, simulan mo nang dagdagan ang iyong mga kaibigan lalaki.


Lagi ka ring magsuot ng paborable mong kulay na red, pink, at green, at paminsan-minsan ay magsuot ka rin ng kulay black. Pahabain mo ng bahagya ang iyong buhok. At makipagkaibigan mabuti sa mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Pisces, Cancer, Taurus, Aries, Sagittarius at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang may birth date na 2, 4, 7, 8, 11, 13, 16, 17, 20, 22, 25, 26, 29, at 31.


Dagdag pa, lagi ka ring lumabas ng bahay at makisalamuha sa mga kalalakihan mula sa ika-19 ng Setyembre hanggang sa ika-30 ng Nobyembre, mula sa ika-19 ng Pebrero hanggang sa ika-25 ng Marso at mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-31 ng Hulyo.


Kapag nagawa mo ang nasabing mga simpleng rekomendasyon sa itaas, walang sablay, tiyak ang magaganap.


Ayon sa iyong Love Calendar sa taon ding kasalukuyan sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre sa taong ito, bago sumapit ang edad mong 27, magkaka-boyfriend ka hatid ng isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Cancer.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page