top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Babaeng chubby at ‘di katangkaran, katangian ng mapapangasawa ng binatang 2 yrs. ‘di nagka-dyowa

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | May 8, 2023

Dear Maestro,


Mula nang maghiwalay kami ng first GF ko, halos dalawang taon na akong hindi nagka-girlfriend. May mga nililigawan naman ako, pero parang mailap sila sa akin at ‘di ko rin nararamdaman sa kanila ‘yung pagmamahal na naramdaman ko sa ex-girlfriend ko.


Maestro, kailan darating sa buhay ko ang inilaan ng tadhana na makakasama ko habambuhay at ano ang kanyang palatandaan? December 6, 1995 ang birthday ko.


Umaasa,

Denver ng San Juan, Antipolo City

Dear Denver,


Ang zodiac sign mong Sagittarius ang nagsasabing kung hindi isang Leo, Aries, Gemini at kapwa mo Sagittarius, isang babaeng isinilang sa buwan ng Mayo ang iyong magiging ikalawang girlfriend, na siya mo na ring mapapangasawa.


Samantala, ayon sa birth date mong 6, bukod sa nabanggit ng mga zodiac sign sa itaas, ang nasabing babae ay isinilang sa petsang 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 5 14 at 23.


Kung saan, ayon sa hugis ng iyong mukha na medyo pahaba at sa kayumangging kulay ng iyong balat, ang babaeng mapapangasawa at makakasama mo habambuhay ay kayumanggi rin ang kulay ng balat, medyo mababa ang height, at may pagka-chubby na pangangatawan. Kapag may nakilala at niligawan kang babae na parehas ng nasabing paglalarawan, ‘yun ang pahiwatig na siya na ang mapapangasawa at makakasama mo habambuhay.


Ayon sa iyong Love Calendar, ang pagdating ng mahiwagang babae ay magaganap sa taong kasalukuyan, sa edad mong 28 pataas o bago sumapit ang edad mong 28.


Matapos ang humigit-kumulang dalawang taong relasyon, sa 2024 at sa edad mong 29 pataas, bago dumating ang iyong ika-30 kaarawan, may masayang pag-aasawa na magaganap sa iyo, na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page