top of page
Search
  • BULGAR

Babaeng balak mag-apply sa ibang bansa, sa taong 2024 makakaalis

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | July 3, 2023



Dear Maestro,


Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ako bilang tindera rito sa Quiapo. Bukod sa masungit ang amo kong babae, napakaliit pang magpasuweldo. Kaya nais kong umalis na rito at mag-apply bilang OFW sa Kuwait.


Itatanong ko lang sana kung may pag-asa kaya akong makapag-abroad at kung mayroon kailan naman kaya ito matutupad? September 1, 1992 ang birthday ko.

Umaasa,

Merlyn ng Quiapo, Manila

Dear Merlyn,


Tama ang binabalak mo na mag-apply sa ibang bansa, kaysa patuloy kang magtiis sa amo mong masungit at nagkataong kuripot pa. Ganito ang gawin mo kapag mag-a-apply ka na sa abroad:


Una, ayon sa birth date mong 1, lagi kang magsuot ng kulay dilaw sa panahong ikaw ay mag-a-apply sa ibang bansa upang magkaroon ka ng paborableng kapalaran at sa halip na tapusin ang iyong lagda pasubsob na pababang direksyon, mas maganda at mas makakabuting iangat mong paitaas ang ending ng iyong pirma.


Sa pagsusuot ng kulay na dilaw at pagpapaganda ng iyong lagda, makikita mo habang nag-a-apply ka sa abroad may paborableng pangyayaring magaganap sa iyong karanasan.


Likas ka namang magiging mapalad tuwing sasapit ang ika-19 ng Abril hanggang ika-10 ng Hunyo, mula sa ika-19 ng Agosto hanggang ika-10 ng Nobyembre at mula sa ika-19 ng Disyembre hanggang sa ika-28 ng Enero.


Magsisilbing talisman mo bilang panghigop ng suwerte at magandang kapalaran ang batong sapphire na palamuti sa silver na singsing.


Sa ganyang paraan, sa sandaling nasunod mo ang simpleng rekomendasyong inilahad sa itaas, sa susunod na taong 2024 sa edad mong 32 pataas ay may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong karanasan.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page