top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Babaeng atat magkanobyo, taong 2024 liligaya at uunlad

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 30, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | June 30, 2023



Dear Maestro,


Naghiwalay kami ng dati kong nobyo, napapadalas na kasi ang aming pagtatalo, kahit na sa maliit na bagay. Sa totoo lang, hindi na rin ako masaya kapag magkasama kami at sa tingin ko ay hindi talaga kami para sa isa’t isa.


Kaya bokya na naman ang love life ko, pero ngayon ko lang naramdaman ‘yung sakit, malungkot pala talaga pag walang boyfriend, nasanay kasi ako na palagi kaming magkasama.


Itatanong ko sana, Maestro, kung kailan kaya ako muli magkaka-boyfriend, ‘pag nagkanobyo ba muli ako, siya na kaya ang makakatuluyan ko na makakasama ko habambuhay? June 29, 1997 ang birthday ko.

Umaasa,

Alyanna ng San Jose, Baras, Rizal

Dear Alyanna,


‘Wag ka ng malungkot kahit na nagka-break kayo ng ex-boyfriend mo at nakasanayan mo na laging may boyfriend na nakakasama. Ang simpleng solusyon sa iyong problema ay makipagrelasyon ka na lang muli, ngunit sa ibang lalaki na.


Ayon sa zodiac sign mong Cancer upang maging pangmatagalan na ang susunod na pakikipag-relasyon at sa bandang huli ay kayo na rin ang magkatuluyan, kailangang ang zodiac sign ng lalaking iibigin at mamahalin mo ay isang Capricorn, Scorpio o kaya’y kapwa mo Cancer na may birth date na 1, 2, 5, 7, 10, 11, 16, 19, 20, 28, at 29. Sila ang mga ka-compatible mo, kaya sa piling ng mga lalaking nabanggit, tiyak ang magaganap, makakatagpo ka na ng isang maligaya at panghabambuhay na pag-ibig na maaaring humantong na rin sa isang maunlad na pamumuhay at pag-aasawa. Ayon sa iyong Love Calendar ito ay nakatakdang mangyari at magaganap sa unang hati ng susunod na taong 2024 sa edad mong 26 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page