Babae, binaril sa tiyan ng ka-live in

by Janice Baricuatro @News | November 1, 2026

Photo: File
Kritikal ang isang 37-anyos na babae matapos barilin ng kanyang kinakasama kasunod ng kanilang pagtatalo, alas-3:15 ng madaling- araw sa Sitio Malagihay, Brgy. Panapaan 3, Bacoor City, Cavite kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si alyas Michael, 45, empleyado ng Bacoor Traffic Management Department at residente ng nasabing lugar. Ang biktima naman ay si alyas Normita, 37.
Batay sa imbestigasyon, magkasabay na umuwi ang dalawa at nagtalo hanggang sa lumala ang kanilang away pagdating sa bahay.
Ilang saglit pa, nakarinig ng putok ng baril ang mga kapitbahay. Binaril umano ng suspek ang misis sa tiyan bago tumakas sakay ng motorsiklo.
Isinugod ang biktima sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan. Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.





Comments