Ayuda sa Pasig City, mapapa-sana all ka!
- BULGAR

- Jul 21, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh - | July 21, 2020

Dahil sa pagsasailalim sa localized Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng ilang lugar sa Pasig City, naghanda si Mayor Vico Sotto ng ayuda para sa kaniyang mga nasasakupan.
Kadalasan, bigas, de lata at noodles ang ipinamimigay, pero ibahin natin ang Pasig City at mapapa-sana all ka na lang talaga!
Nag-viral ang isang resident eng Pasig City matapos nitong i-post sa Twitter ang picture ng nakuha nitong ayuda mula sa pamahalaan ng Pasig City.
Sa post ni Janella Ira (@iradmnhn), makikita sa picture ang ilan sa mga necessity ng tao tulad ng sabon, toothpaste, shampoo at face mask. Mayroon din noodles, de lata, bigas, tuyo, kape at ang pinakapanalo sa lahat, may Pepero pa!
Aga itong ikinatuwa ng mga netizen kaya agad na nag-viral. Pati si Pasig City Mayor Vico Sotto ay naki-retweet din at sumagot sa kaniyang Twitter Account.
Aniya, “Para di na po kayo lumabas!!! Kung sumunod tayong lahat mas mabilis din po matatapos ang Localized ECQ sa inyo. Ingat po at God bless!”
Ilan sa mga lugar sa Pasig City na nakapailalim sa localized ECQ ay ang Pipino, Labanos, Okra at Ubas sa Barangay Manggahan simula pa noong July 19 dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 dito. Sumailalim din sa lockdown simula July 20 ang Ventura Compound sa Barangay De la Paz. Maaari lamang lumabas ang mga tao kung ito ay magtatrabaho o emergency. Kaya naman sinabi ng pamahalaan ng Pasig City na mamamahagi ito ng ayuda para hindi na lumabas ang mga residente.




Comments