Ayon sa Astro-Numerology… Bebot, swak sa bff na tibo, kaya sure na magiging hapi ang relasyon
- BULGAR
- Oct 11, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | October 11, 2023
Dear Maestro,
May kaibigan akong tomboy, at nililigawan niya ako ngayon. Noong una, akala ko ay babae siya dahil mas maganda siya kaysa sa akin. Pero, inamin niya sa akin na isa pala siyang tomboy.
Alam mo, Maestro, kung anu-anong regalo at panunuyo ang ginagawa niya sa akin at ang sweet niya. Nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya. Nais kong malaman kung compatible ba kami at kung sakaling sagutin ko siya, magiging masaya at pangmatagalan kaya ang papasukin naming relasyon? Sa totoo lang, nakakahiya mang aminin, nainlab na rin ako sa kanya.
October 30, 1995 ang birthday ng kaibigan ko habang October 18, 1999 naman ako.
Umaasa,
Lyza Mae Bilobilo, Orion, Bataan
Dear Lyza Mae,
Ayon sa birth date mong 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9), sa destiny number na 2 (10+18+1999=2027/ 20+27=47/ 4+7=11/1+1=2), sa zodiac sign na Libra, sadyang ka-compatible mo ang iyong kaibigang tomboy. Ito ay dahil ang birth date niyang 30 o 3 (3+0=3), sa destiny number na 1 (10+30+1995=2035/ 20+35=55/ 5+5=10/1+0=1) sa zodiac sign na Scorpio ay suweto at compatible talaga kayo.
Bukod sa Numerology, compatible rin kayo sa Astrology dahil ang zodiac sign mong Libra ay malapit na malapit lamang sa zodiac sign niyang Scorpio.
Samantala, sa Numerology, tulad ng nasabi na, ang birth date mong 18 o 9, ay tugma sa birth date niyang 30 o 3, dahil ang numerong namamagitan sa inyong dalawa ay under ng magkatugmang numero na kung tawagin ay “series of 3-6-9.”
Habang ang destiny number mong 2 na weak number ay suweto ring isama sa destiny number niyang 1 na strong number. Kung saan, ang pagsasama ng “weak at strong number” ay sadya namang nagiging matagumpay at maligaya.
Kaya nga, Lyza Mae, ayon sa inyong mga datos, malaki ang posibilidad na kayo na nga ang magkatuluyan ng kaibigan at manliligaw mong tomboy sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.
Ibig sabihin, kung ang iba ay nakatagpo ng maligayang pagsasama sa opposite sex, sa kaso n’yo naman ay sadyang kakaiba at pambihira, kung saan kahit na “same sex” ang inyong relasyon, nakatakda na ang magaganap – may isang maligaya at matagumpay na pagmamahalan ang itatala sa inyong karanasan na mangyayari sa buwan ding ito ng Oktubre upang kapwa maging matamis at maligaya ang paparating n’yong Christmas ngayong taon.




Comments