Ayaw tumahan... 2-anyos, binugbog ng stepdad, patay
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 7, 2026

Photo: Biliran Police Provincial Office / Circulated
Patay ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos umanong bugbugin ng kanyang amain sa Brgy. Catmon, Naval, Biliran.
Ayon sa Naval Municipal Police Station, isinugod ang bata sa Biliran Provincial Hosp
ital matapos matagpuang walang malay malapit sa kanilang bahay noong Agosto 1.
Gayunman, idineklara itong dead-on-arrival ng mga doktor.
Sa isinagawang imbestigasyon, itinuro ang 27-anyos na stepfather bilang suspek batay sa salaysay ng apat na taong gulang na kapatid ng biktima at ng ilang testigo.
Lumalabas sa imbestigasyon na dalawang beses umanong sinuntok ng suspek ang bata bago ito itinulak, dahilan upang matumba at tumama ang ulo sa isang bato na nagdulot ng matinding pinsala.
Ayon sa pulisya, nagalit umano ang suspek dahil sa walang tigil na pag-iyak ng bata kaya nito sinaktan ang biktima.
Wala naman ang ina ng bata nang mangyari ang insidente.
Agad na naaresto ang suspek at nahaharap sa kasong murder. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.





Comments