top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Awol na pulis, huli sa panghoholdap

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2020
1 min read

ni Twincle Esquierdo | November 11, 2020




Timbog ang dalawang lalaki nang maharang sa checkpoint sa Sta. Cruz Police sa Aurora Boulevard nitong magha-hatinggabi ng Martes.


Sinita sila ng mga pulis nang mapansing walang suot na helmet at dito nalaman na may dala silang calibre .38 na baril.


Napag-alaman din na suspek ang dalawa sa panghoholdap sa mag-asawa sa Sampaloc, Manila bago masita sa checkpoint.


Ayon sa biktima, halos P7,000 ang nakuha ng mga suspek na pahunan sana nila sa kanilang negosyo. Hindi na umano sila nakapalag nang tutukan ng baril ng isang lalaking suspek.


Bawas na rin ng P4,000 ang narekober na pera dahil ipinambayad daw umano nila ito sa renta ng baril.


Ayon sa mga awtoridad, sinundan na pala ng mga suspek ang kanilang biktima mula sa Valenzuela hanggang Manila at dito ginawa ang kanilang binabalak.


Arestado sina Reynaldo Nuque, Jr. at Elizardo Pablico na napag-alamang AWOL na pulis.


Nagsilbi si Pablico sa Caloocan bilang beat patroller hanggang sa mag-AWOL siya noong 2017.


Ayon kay Lt. Col. John Guiagui, commander ng Sta. Cruz Police, meron nang record sa pagnanakaw ang dalawa. Nambibiktima sila sa Valenzuela, Caloocan, Quezon City, Maynila at Bulacan.


Magkakapatong na kasong robbery holdup at illegal possession of firearms and ammunition ang isasampang kaso laban sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page