top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Awkward daw… VINA, ROBIN AT MARIEL, NAGSAMA-SAMA SA ISANG BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 29, 2020
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 29, 2020




Masarap basahin ang post ni Vina Morales sa Instagram kung saan ikinuwento ang pagpunta niya sa bahay ni Robin Padilla na kanyang ex-boyfriend at ng asawa nitong si Mariel Rodriguez-Padilla.


Sa kuwento ni Vina, nag-taping sila ni Robin para sa sitcom nila sa TV5 na Kesayasaya.


“Totoo ba eto? Nangyari ba eto? Haha! Parang panaginip lang. Hanggang ngayon 'di pa rin nawawala sa pisngi ko ang ngiti at saya dahil nakatrabaho ko sila in person para sa aming sitcom na Kesayasaya sa loob ng bahay/studio Padilla haha! Bin @robinhoodpadilla and Ma @marielpadilla Thank you so much for welcoming me in your beautiful home, now a studio. Also bossing @betchayvidanes for making this happened.


"Sa totoo lang po, sobra po akong kabado at saya before entering their gate. Nahirapan akong huminga lalo na may face mask, nag-hyperventilate ako, haha! Ngayon lang po kasi (kaming) magkakasama(ng) tatlo at hindi lang 'yun, si Mariel pa ang kukuha ng mga kilig moments namin ni Robin. Ano po sa tingin n’yo? 'Di ba awkward, haha!"


Ini-repost ni Robin sa kanyang IG ang post ng manager niyang si Betchay Vidanes at makikita sa video na maayos ang pagsasama-sama nina Robin, Mariel at Vina. Dahil dito, hirit ng netizens, sana sa susunod, pelikula na ang gawin nina Robin at Vina.


Nauna rito, twice nag-guest si Vina sa vlog ni Mariel at doon nagsimula ang kanilang friendship. Bumili at ipino-promote pa nga ni Mariel ang business ni Vina na Inday Beena na may suka, dried fish, bagoong, peanut butter at iba pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page