Australia sinampolan agad ang Gilas sa FIBA U18 Asia Cup
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
ni Anthony Servinio @Sports | August 15, 2026

Photo: Gilas Boys (photo by: PilipinasSportsBar)
Laro sa Lunes - Savarkar Stadium 4 PM Pilipinas vs. Thailand
Masyadong malakas at matangkad ang defending champion Australia at giniba ang Gilas Pilipinas, 107-69, sa pagpapatuloy ng FIBA U18 Asia Cup India 2026 kahapon sa Veer Savarkar Indoor Stadium, Ahmedabad.
Pumantay ang mga Pinoy sa 1-1 sa Grupo A matapos ang 89-88 pagtakas sa Chinese-Taipei noong Huwebes. Bumira ng tres si JB Cagurungan at sinundan ng agaw at buslo ni Bruce Tubongbanua para sa 7-5 bentahe. Iyan na ang huling banat ng Gilas at mula sa 12-12 tabla ay humataw ang Emus para kunin ang unang quarter, 24-19.
Saglit nakalapit ang Pilipinas sa mga shoot nina Andrew Chio at Sizco Roquid sa simula ng pangalawa quarter, 23-26. Sinagot ito ng 13 walang-sagot na puntos ng Australia para tuluyang lumayo, 39-23. Nagtala ng George Green ng 12 at sinundan ni Luke Atacador na may 10.
Walang ibang Pinoy ang naka-10 at umabot ang agwat sa 107-65 pagsapit ng huling minuto bago ito binawasan nina Green at Atacador. Namuno sa balanseng atake ng Emus sina 7'0" Yahya Basara at 6'5" John Aryang na may 16.
Sumunod sina Antonio Browne at Jai Fa'ale na parehong 13 at tatlo pang kakampi na may 11 o higit. Susunod para sa Gilas ang Thailand sa Lunes, ang huling araw ng group stage.
Tinalo na nila ang mga Thai sa SEABA Qualifier noong Hunyo subalit may mga pagbabago sa listahan ang parehong bansa. Ang play-in ay nakatakda sa Agosto 20. Sunod-sunod ang quarterfinals, semifinals hanggang finals sa 23.





Comments