top of page

Ateneo Men's at Women's champ sa UAAP Badminton

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 14, 2023
  • 1 min read

ni VA @Sports | November 14, 2023


Kapwa itinanghal na kampeon ang men's at women's team ng Ateneo de Manila sa pagtatapos ng Season 86 UAAP badminton tournament.

Nakamit ng Blue Eagles ang kanilang ika-4 na sunod na women’s badminton crown matapos dispatsahin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 3-1, sa finals na idinaos noong nakaraang Linggo-Nobyembre 12 sa Centro Atletico Badminton Center sa Quezon City.

Nauna rito, winakasan ng Ateneo ang pitong taong dominasyon ng National University matapos nilang ungusan ang huli, 3-2 sa title match ng men's division.

Itinanghal ang mga Ateneo stars na sina Mika de Guzman at Jochelle Alvarez bilang women’s Most Valuable Players, habang nahirang naman sina Arthur Salvador at Lyrden Laborte bilang MVPs sa men’s side.


Samantala, napili naman ang nagsilbing bayani sa tagumpay ng Ateneo na si Lance Vargas bilang Rookie of the Year.

Ang nasabing titulo ang ikapitong women's championship na nakamit ng Ateneo, isang panalo na lamang na nahuhuli sa UP na mayroong walo.


Nakopo naman ng men’s team ang una nitong kampeonato makalipas ang sampung taon.


Huling nawalis ng Ateneo ang men's at women's titles ng UAAP noong Season 76, sampung taon na ang nakalilipas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page