top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

At least, ‘di raw nagpo-promote ng sugal, Andrea… BEA, GINAGATASAN LANG ANG EX PARA MABUHAY ANG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
52 minutes ago
2 min read

by Lucille Galon @Showbiz Special | September 9, 2026



SPECIAL ARTICLE - BEA, GINAGATASAN LANG ANG EX PARA MABUHAY ANG ANAK-FB Bea Borres

Photo: SS / FB Bea Borres



“Ginagatasan lang, promise!” ito ang sey ni Bea Borres tungkol sa mga videos nila ng ex-boyfriend at ama ng kanyang anak na si Meray Yamada.


Pinanindigan ng aktres-vlogger na for content lang ang ginagawa niya kasama ang dating partner at mas gugustuhin pa niyang ‘gatasan’ ang ex-BF kaysa tumanggap ng endorsement na sugal.


Kamakailan ay nag-upload si Bea ng video kung saan pinakain niya si Meray ng cake na siya mismo ang gumawa. Umabot na sa mahigit 1.5 million views ang video sa YouTube (YT), habang ang hiwalay na clip na ipinost sa Facebook (FB) ay nakakuha na rin ng daan-daang libong reactions.


“I’m doing this because kailangan kong pumaldo. Ayaw n’ya kasing magbigay ng pera and ang tagal-tagal ng karma, so I’m gonna make my own karma. Pag-aawayin natin sila ng babae n’ya. Joke lang!” sey ni Bea sa vlog.


Kilig na kilig naman ang ilang mga netizens at humirit pa ng mas marami nilang vlogs together. 


Pero may ilan ding hindi natuwa at sinabing hindi na dapat nakikipag-collaborate si Bea kay Meray dahil sa kanilang past relationship.


Isa sa mga hindi kinilig ay ang best friend ni Bea na si Andrea Brillantes, na nag-comment sa TikTok (TT) post.


“Lahat kayo, kinikilig, p’wes ako, hindi,” sigaw ni Andrea.

Dahil dito, dinepensahan ni Bea ang kanyang ginagawa at sinabing naghahanapbuhay lang siya.


“Why are you guys mad at me!!! At least I’m not accepting online sugal. Mag-clout chase na lang ako. It’s my content, just block me na lang if you think I’m t*nga!!!!” saad niya.

“If I promote sugal, ‘di ba you’ll bash me rin naman? Go, kani-kanya na ‘tong hustle. Hahaha!” dagdag pa niya.


Matapos ang kanyang post, nag-share ulit ang internet personality ng video kasama ang kanilang baby habang nanonood sila ng basketball game ni Meray.


Bagama’t marami pa rin ang kinikilig sa chemistry nilang dalawa, iginiit ni Bea na content lang talaga ang lahat.


“Ginagatasan lang, promise,” sey muli Bea.


May isang anak sina Bea at Meray, si Victoria Hope. Naibahagi na rin noon ni Bea ang tungkol sa pagiging single mother at ang pangakong ginawa niya para sa kanilang anak.


“I will love myself and I will make sure my daughter sees that I love myself so much so that she can also love herself and she can look up to me and she will have standards of what love is supposed to be,” pahayag niya noon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page