ni MC @Sports | October 22, 2023
Ginawaran ng gantimpalang cash ng San Juan City si Hangzhou 19th Asian Games jiu-jitsu gold medalist Margarita “Meggie” Ochoa at binigyan din ng recognition.
Ipinagkaloob ni Zamora kay Ochoa ang dagdag na P100,000. May kabuuan na siyang incentives ng P3 million – P2 million ang mula sa National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act at ang P1 million ay mula sa Philippine Olympic Committee .
“My journey to the Asian Games wasn’t easy, I fell sick along the way, I got injured, and I wasn’t a hundred percent in the final,” sabi ni Ochoa nang pasalamatan ang pinuno ng kanyang hometown.
Samantala, bagong secretary-general ang iniluklok ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Atty. Wharton Chan ng kickboxing.
Si Chan ang pumalit kay Atty. Edwin Gastanes na ang pagbibitiw bilang secretary-general ng Philippine Football Federation (PFF) ang awtomatikong nag-disqualify sa kanya sa posisyon sa POC.
“Atty. Wharton has shown dedication and energy and his familiarity with the operations of the POC in relation to the International Olympic Committee and the National Sports Associations (NSAs) fits him to a ‘T,’” ani POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.
Si Chan ay secretary-general ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) at ang legal head ng POC. Ang appointment ni Chan ay gagawin sa POC General Assembly sa Oktubre 27 sa East Ocean Restaurant sa Parañaque City.
Samantala, kinuwestiyon ng POC ang sabay na pagdaraos ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Batang Pinoy (BP) at Philippine National Games (PNG) sa Disyembre 17-23 sa mga venue sa Metro Manila, Tagaytay City at Batangas.
Ayon sa POC, lubhang mahihirapan ang mga NSAs na pamahalaan ang mga events sa ilang age brackets ng PNG at BP.
Comments