Sarah at SB19, magsasama sa MOA stage
- BULGAR

- Jan 6, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 6, 2024

Magiging saksi ang entablado ng MOA Arena sa mga makapigil-hiningang laban ng mga koponan sa esports sa ika-13 at 14 ng Enero, 2024, pati na rin ang never-before-seen musical stages at collaborations.
“We have prepared very hard to give esports players, fans, and enthusiasts two days filled with excitement and surprises. The Asia Pacific Predator League 2024 Grand Finals will showcase world-class gaming, music, and entertainment. The event will put Manila on the global esports map,” pahayag ni Princess Lao-Santos, ang Senior Marketing Manager ng Acer Philippines.
Magtutunggali ang 26 na koponan mula sa iba't ibang bahagi ng rehiyon para sa pinakamataas na parangal sa Dota 2 at VALORANT, kasama ang kanilang bahagi sa $200,000 na premyo at ang hinahangad na Predator Shield, sa Asia Pacific Predator League 2024 Grand Finals sa SM Mall of Asia Arena.
Sa unang pagkakataon, ang Acer ambassadors na sina Sarah Geronimo at ang P-pop group na SB19 ay magtatanghal. Tampok din ang isa pang nakakakilig na pagsasama-sama sa entablado nina rapper Felip at si Ylona Garcia ng Paradise Rising.
Magiging pangunahing tampok sina Sarah Geronimo at ang SB19 sa Day 1, kasama sina Urbandub, Al James, at UPeepz. Mapapanood naman sa Day 2 ang mga performance mula kina KZ Tandingan, Sandwich, Franco, Spongecola, Manila Symphony Orchestra, Daloy Dance Company, Josh Cullen, at Pablo.
Para sa parehong araw, magkakaroon din ng mga sesyon ng meet-and-greet kasama ang mga ambassador ng Predator na sina Cong TV at ang Team Payaman boys na sina burg, KuyaNic, Chibiby, Maggiekarp, amaratv, Een Mercado, Kang Dupet, at si Alodia Gosiengfiao.





Comments