top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Arnel ignacio, sablay sa pangangaral sa pamilya ng mga OFWs

BULGAR
Oct 19, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 19, 2022


KURAKOT, ABUSADO AT PABAYANG BGY. OFFICIALS, KABADO SA HIRIT NA ITULOY ANG HALALANG PAMBARANGAY—Matapos kuwestyunin ni election lawyer Romy "Atty. Mac" Macalintal sa Supreme Court (SC) ang legalidad ng postponement ng barangay at Sangguniang Kabataan, tiyak na kinabahan ang mga kurakot, abusado at pabayang kapitan at kagawad ng barangay.


Kapag pumabor kay Macalintal ang desisyon ng SC at iniutos ng Korte Suprema na tuloy ang halalang pambarangay dahil labag sa batas na ipagpaliban ito, tiyak matatalo ang mga kurakot, abusado at pabayang barangay officials.


◘◘◘


DAPAT BANTAYAN NG COA ANG PONDO SA HALALANG PAMBARANGAY, BAKA MAPUNTA SA CONFIDENTIAL FUNDS AT PORK BARREL—Kung sakaling pumabor kay Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at sa mga mambabatas, na ipagpaliban ang halalang pambarangay, kailangan na ang tulong ng Commission on Audit.


Dapat bantayan ng COA kung saan mapupunta ang P8.5-B pondo sa halalang pambarangay, baka kasi ang pera ng bayan na nakalaan para sa eleksyon ay i-realign para maging confidential funds at pork barrel ng mga trapo.


◘◘◘


PINA-POSTPONE ANG HALALANG PAMBARANGAY AT MAGBABAWAS NG TAONG GOBYERNO PARA MAKATIPID, TAPOS NAGTATAG NG WA' 'WENTANG TANGGAPAN—Pinutakti nang batikos si P-BBM sa pagtatatag ng Office of Presidential Adviser for Creative Communications, na pinamumunuan ngayon ni Derek Paul Soriano na mister ni TV host/actress Toni Gonzaga.


Sa totoo lang, mababatikos talaga kasi sabi ng Malacañang na kaya ipinagpaliban ang halalang pambarangay at magbabawas ng mga taong gobyerno sa pamamagitan ng rightsizing ay para makatipid sa gastusin ang pamahalaan, tapos nagtatag ng walang kwentang ahensya na tiyak babadyetan ng gobyerno para pampasuweldo sa head at mga tauhang itatalaga sa bagong tanggapan ng Office of Presidential Adviser.


Kaya natin nasabing wa' 'wenta ang bagong tanggapan kasi wala naman itong maitutulong para iahon sa kahirapan ang mamamayan.


◘◘◘


ANG MANDATO NG OWWA AY TUTUKAN ANG KAPAKANAN NG MGA OFWs AT HINDI PARA SERMUNAN ANG PAMILYA NG MGA OFWs—Sinabihan ni OWWA Administrator Arnel Ignacio ang pamilya ng mga OFWs na huwag hingi nang hingi ng pera sa mga kapamilya nilang nagtatrabaho sa ibang bansa dahil mahirap ang kalagayan ng mga ito.


Bad ang statement ni Ignacio kasi ang mandato ng OWWA ay pangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs, at hindi para sermunan ang pamilya ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page