ARJO, WAGING BEST ACTOR, KIM OLATS SA CONTENT ASIA AWARDS SA TAIPEI
- BULGAR

- Sep 7, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 7, 2024

Muling nanalo ang anak ni Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde sa Content Asia Awards na ginanap sa Taipei bilang Best Actor para sa Cattleya Killer (CK).
Ani ng aktres sa FB, “Nakaka-proud ka sobra, Anak! Congratulations, Juan Carlos Atayde for winning Best Male Lead at the Content Asia Awards in Taipei! Love you my Best Actor #proudmom. Thank you Lord!”
Narito pa ang magandang komento at pagbati ng isang netizen sa Facebook (FB) ng @ContentAsia, “Congrats CONGRESSMAN ARJO ATAYDE for winning the BEST ACTOR AWARD in the Content Asia Awards at Taiwan. You are simply the BEST in and out! When I say the BEST, na sa ‘yo na po lahat, batang-batang congressman na may angking talino, poging-poging congressman, napakabuting tao.
“Ang buong Distrito Uno (ay ‘di pala lahat, ‘yung konting-konti po kahit ano’ng gawin mo po, ‘di ka naman nila talaga gugustuhin), I will rephrase it, 90 percent of your District is super proud of you, you’ve got the looks, the talent, and the heart, you give so much pride not only to D1 but to our country. We love you Cong., mananatili kang congressman ng Distrito Uno!”
Nagbigay din ng update si Kim Chiu, na kahit hindi nanalo ng Best Female Lead ay proud siya nang maging host at presenter sa nasabing award-giving body.
Ani Kim sa kanyang IG Stories, “My name is Kim Chiu, and I am from ABS-CBN Philippines!
“What an amazing experience to be in one room with all the creatives, directors, actors, actresses, producers, channel heads, and many more across Asia. Representing the Philippines is something I didn't think would happen in this lifetime.”
Nagpasalamat din siya sa award-giving body at sa team ng Linlang kung saan siya na-nominate.
Pahayag ni Kim Chiu, “Thank you @ContentAsiaAwards2024, for the nomination. It is my first time being recognized as an Asian actress. Thank you ABS-CBN Family. Thank you to my team for bringing out my best look. Thank you to the dreamscape family and Linlang fam. Glad to be seated by (sic) another Lualhati @kailaestrada. This experience is one for the books. Hopefully, this will be the first of many!!!”
Sey ng mga netizens:
“On to more international awards shows for Kimmie.”
“Looking forward to your nomination po for What’s Wrong with Secretary Kim (WWWSK).”
VIRAL ang mga larawan nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre sa anniversary party ng Aivee beauty clinic kasabay ng birthday ng owner na si Dra. Aivee Teo.
Dumalo ang dalawang aktres sa event, at ito ang unang pagkakataon na nakunang magkasama sila sa isang frame.
Maraming netizens ang natuwa nang makita ang dalawang winning actresses na nakangiti at masayang magkasama.
Well, sila lang naman ang matinding magkalaban noong kanilang henerasyon dahil sa love teams na KathNiel (Kathryn at Daniel Padilla) at JaDine (James Reid at Nadine).
Dahil dito, pinag-aawayan ng fandom ang dalawang aktres kaya hindi sila madalas nakukuhanan ng larawan na magkasama.
Walang away sa pagitan ng dalawang aktres, kaya natuwa ang mga netizens sa viral na larawan nilang ito sa social media.
BINA-BASH si Paolo Contis sa bago niyang movie titled Dear Satan (DS) pero dinepensahan naman ng Kapuso actor ang kanyang pelikula laban sa mga kritisismo.
Ang nasabing movie ay binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng X-rating.
Ayon sa MTRCB chair na si Lala Sotto, ang kanyang pananampalataya ang nagdikta na ang pelikulang ito ay nakaka-offend sa kanya. Pagkatapos ng review ng MTRCB, pinalitan ang title ng pelikula ni Paolo.
Sa panayam sa aktor, sinabi niyang may magandang mensahe ang pelikula, na nagtuturo tungkol sa pagkakaroon ng child-like faith kung saan ang isang bata ay nagkamali sa pagsusulat ng “Dear Santa” at naging “Dear Satan” na hindi sinasadya. Si Paolo ang gumaganap na Satanas at sinubukan niyang linlangin ang bata, pero pumalpak siya dahil sa sobrang faith ng bata sa Diyos.
Sey din ni Paolo Contis, ang pelikula ay may magandang mensahe na natabunan lamang ng iba’t ibang isyu.
“Wala naman kaming sinabing sambahin si Satanas,” aniya.
Binuksan namin ang Instagram (IG) ng aktor para kumuha ng komento ng mga netizens, ngunit napansin naming ang IG account ng Kapuso actor ay naka-private na, na dati ay hindi ganito.
‘Yun lang!





Comments