top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Arjo at Maine, nabiktima rin... MGA NANOOD NG CONCERT NI BRUNO MARS, NAG-AWAY-AWAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 26, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 26, 2023




Isa nga ang soon-to-be husband and wife na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa mga celebrity couples na nagpaka-fan sa ginanap na concert ng Fil-Am singer-songwriter na si Bruno Mars last weekend sa Philippine Arena.


Dahil naipit ang magdyowa sa matinding traffic, dalawang songs na lang ng sikat na international singer ang naabutan nina Maine at Arjo.


“Buti na lang, may inabutan pa kami,” bahagi ng tweet ni Maine.


Kahit na naging matagumpay ang nasabing concert ni Bruno Mars dahil sa napakabonggang performance na ipinamalas nito, at talaga namang ‘di pinagsisihan ng mga fans ng international singer-songwriter na gastusan ang napakamahal na tickets, nanawagan pa rin ang marami na sana ay ayusin ng producer ang isyu ng parking sa venue.


Halos lahat kasi ng pumunta sa Philippine Arena ay nagrereklamo sa matinding traffic na naranasan nila papunta, papasok at palabas ng arena.


May mga nabalitaan pa kaming nag-away-away, nagmurahan at uminit ang mga ulo dahil sa napakagulong parking system sa nasabing venue.


Sey pa nga nila, nag-enjoy ka nga raw sa husay ni Bruno Mars pero very stressful naman ang kapalit nito kapag palabas na ng Philippine Arena at pauwi na.


Oh, ayan, sa mga producers na puro income lang ang nasa isip, makinig naman kayo sa hinaing at panawagan ng mga concertgoers.


Teka lang, tinalo na ba ni Bruno Mars ang record ng Korean girl group na nag-concert din sa Philippine Arena nang 2 nights with a crowd attendance of 47K each night?!

Well, sana naman…


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page