Archbishop Emeritus Oscar Cruz, sumakabilang-buhay na
- BULGAR

- Aug 26, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 26, 2020

Sumakabilang-buhay na si dating CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz. Ito ang kinumpirma ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP).
Pumanaw si Archbishop Cruz sa edad na 85, bandang alas-6:45 kaninang umaga sa Caridad Hospital.
Samantala, si Archbishop Cruz ay dating arsobispo ng Lingayen-Dagupan at director ng CBCP legal office.
Ayon sa CBCP, ang iniindang matagal nang sakit ang isa sa mga rason ng kamatayan ng arsobispo.




Comments