top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Aray ko, nadamay pa sa kanegahan… AIKO, DUMAMI ANG BASHERS DAHIL KAY SPOX ROQUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 28, 2021




Mabuti naman at dinedma at hindi na pinatulan ni Aiko Melendez ang mga bashers na hindi natuwa sa ginawa niyang pag-i-interview kay Presidential Spokesman Harry Roque na ginamit niya sa kanyang vlog.


Hindi naman tungkol sa pulitika ang tinalakay sa nasabing interview ni Aiko kay Spox Roque. Bakit nanggigigil ang ilang grupo at sinabihang cheap si Aiko?


Nag-effort naman nang husto ang Kapuso actress para mai-set ang one-on-one interview kay Spox Roque doon mismo sa Malacañang Palace. Nag-ayos at nagbihis naman nang tama si Aiko at hindi niya ginawa ang interview kay Spox Roque para lang magpapansin at makakuha ng atensiyon.


Simula nang mag-vlog ay seryoso at pinag-iisipan ni Aiko ang kanyang magiging content para magustuhan ng kanyang mga followers. Hindi lang 'yun para sa sarili niyang fulfillment.


May ilan naman na nagsasabing nagustuhan nila ang ginawang interview ni Aiko kay Spox Roque. May ilang vloggers na nakikipag-collab sa malalaki at sikat na artista para tumaas ang kanilang subscribers. Kani-kanyang diskarte lang naman 'ya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page