Aplasca, sinuspinde ni Remulla... Cayetano: Matibag, suspendihin mo rin
- BULGAR

- May 16
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 16, 2026

Photo: Bongbong Marcos - FB
Nanawagan si Senate President Alan Peter Cayetano sa Office of the Ombudsman na isailalim din sa preventive suspension si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag kasunod ng aniya’y maaaring maling ulat nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa armadong insidente sa Senado nitong May 13.
Ito ay makaraang ipag-utos ni Jesus Crispin Remulla ang anim na buwang preventive suspension kay Acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kaugnay ng komprontasyon sa pagitan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at mga ahente ng NBI sa gitna ng tensyon na kinasangkutan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
“I assume that… the President is speaking the truth. Ang problema, is he being told the truth?” wika niya.
Nauna nang sinabi ni Marcos sa isang video message nitong gabi ng Mayo 13 na bukod sa mga NBI personnel na umalis sa Senado sa kanyang utos, walang ibang pumasok na military o NBI units sa lugar.
Giit naman ni Aplasca, may mga ahente ng NBI sa loob ng gusali at napilitan siyang magpaputok ng warning shot matapos umanong tumangging ibaba ng mga ito ang kanilang mga sandata.
“Let me just appeal to the Ombudsman, suspend also the NBI Director because he is more of a suspect than General Mao (Aplasca) dito [sa nangyari],” wika ni Cayetano.
Binigyang-diin din niya na dapat maging patas ang anumang imbestigasyon hindi lamang sa magiging resulta kundi pati sa proseso.





Comments