top of page

Anumang taon ipinanganak.. Illegitimate child, puwede ang gamitin ang apelyido ng ama

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2023
  • 3 min read

ni Bong Revilla @Anak ng Teteng | March 13, 2023



Naging ganap na batas noong Pebrero 24, 2004 sa panahon ng Twelfth Congress ang AN ACT ALLOWING ILLEGITIMATE CHILDREN TO USE THE SURNAME OF THEIR FATHER, AMENDING FOR THE PURPOSE ARTICLE 176 OF EXECUTIVE NO. 209, OTHERWISE KNOWN AS THE ‘FAMILY CODE OF THE PHILIPPINES’ o Revilla Law.


Nilalaman ng naturang batas na maaari nang gamitin ng isang illegitimate child ang apelyido ng kanyang ama kahit wala itong pahintulot at umiiral naman ito sa kasalukuyan, ngunit tila nagkaroon ng maling pang-unawa.


Lumalabas kasi na ang mga batang isinilang noong taong 2004 hanggang sa kasalukuyan matapos maging ganap na batas ang Republic Act No. 9255 lamang ang naging sakop ng naturang batas.


Dahil sa dami ng reklamong natatanggap, nagpasya ang kaisa-isang Representante ng Agimat Partylist na si Congressman Bryan Revilla na sulatan ang tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA) upang linawin kung bakit ang mga batang isinilang simula 2004 lamang ang nakikinabang sa naturang batas.


Nakasaad sa ipinadalang sulat na ang Rule 1 ng Administrative Order No. 1, s. 2004 na inisyu ng Civil Registrar General – na ang unang bersyon ng implementing rules and regulations (IRR) ng Revilla Law ay aplikable sa lahat ng illegitimate children kahit ipinanganak ng bago o matapos maging batas ang R.A. 9255.


Gayunman, noong 2016, sa pananaw ng Supreme Court Ruling sa kaso ni Grande V. Antonio (G.R. No. 206248), na idineklarang null and void Rule Nos. 7 at 8 ng naturang administrative issuance, ang Civil Registrar General ay nirebisa ang naturang IRR.


Ang Revised IRR ay nilimitahan ang sakop ng aplikasyon ng Revilla Law para sa illegitimate children na isinilang sa panahon nang pag-iral ng batas. Ang naturang representasyon ay pumukaw sa mga illegitimate children na ipinanganak sa pagitan ng simula ng pagpapatupad ng Family Code of the Philippines at ang simula ng bisa ng Revilla Law ay hindi kinaya ang benepisyo na ibinibigay ng huli ng nabanggit na IRR.


Nitong nakaraang linggo, muling hinimay ng Agimat Partylist ang Revilla Law (RA 9255) dahil aming napag-alaman na nagkaroon ng pagbabago sa batas, kaya hindi magamit ng mga ilehitimong anak na isinilang mula ika-4 ng Agosto 1988 hanggang ika-19 ng Marso 2004 ang apelyido ng kanilang ama.


Mabilis namang tumugon ang PSA at nagbigay ng paliwanag hinggil sa implementasyon ng Republic Act No. 9255 na nagbibigay ng karapatan sa mga illegitimate children na gamitin ang apelyido ng kanilang tunay na ama.


Sinabi ng pamunuan ng PSA na masusi nilang pinag-aralan ang IRR ng R.A. No. 9255 na kumatawan sa Administrative Order No.1 series of 2004 (AO No. 1 s.2004) na inamyendahan ng Administrative Order No. 1 series of 2016 (AO No. s. 2016).


Matapos ang masusi umanong pag-aaral, base sa pananaw ng PSA ang AO No. 1 s. 2016, dapat amyendahan upang maituwid sa tunay na layunin ng naturang batas na ang mandato ay ang kapakanan ng isang bata na siyang pangunahing konsiderasyon.


Sa ngayon, ang PSA Legal Service ay tinatrabaho na ang pagsusog sa IRR ng RA No. 9255, lalo na sa probisyon na may kaugnayan sa sakop at bisa ng naturang batas, na inaasahang ang isasagawang pagsusog ay iiral na sa katapusan ng Abril 2023.


Dapat lamang umanong matiyak na ang naturang hakbangin ay masiguro na ang implementasyon ng R.A. No. 9255 ay makamit ang tunay nitong layunin.


Dahil dito, nakipag-ugnayan si Congressman Bryan sa PSA at sa pagitan ng paliwanagan ay maamyendahan na muli ang IRR ng Revilla Law upang muling magamit ng mga illegitimate children na ipinanganak mula ika-4 ng Agosto 1988 hanggang ika-19 ng March 2004 ang apelyido ng kanilang ama at maging mabisa na ito sa susunod na buwan, Abril 2023.


Nakakatuwa rin lang na sumakto pa ang magandang balitang ito ng PSA isang araw bago ang kaarawan ng aking ama na siyang may-akda ng batas na ito noong siya ay isang Senador.


Sa mga hindi pa nakakaalam, si Congressman Bryan ng Agimat Partylist ay panganay naming anak ni Second District Representative Lani Mercado-Revilla at sa dinami-rami ng ginagawa niyang tulong at proyekto ay isa itong pakikipag-ugnayan sa PSA ang kapaki-pakinabang.


Bilang ama ay buong puso kong ikinararangal at ipinagmamalaki ang aking anak na si Congressman Bryan dahil sa malaking accomplishment na ito, na nataon pa sa kaarawan ng aking ama na si Ramon Revilla Sr.


Happy Birthday Daddy at Congratulations anak, keep up the good work, siguradong matutuwa ang lolo mo n’yan!


Anak Ng Teteng!


May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page