top of page

Anu-ano ang mangyayari sa katawan 'pag naturukan ng COVID-19 vaccine?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 21, 2020




Ngayong mayroon nang awtorisado at rekomendadong COVID-19 vaccine partikular na sa U.S., na ating tatalakayin ang kalagayan doon ng vaccine, napakahirap pa ring matukoy ang 'accurate vaccine information.' Heto ang nailabas ng impormasyon ng Center for Disease Control and Prevention noong Dis. 13.


Ang totoo: Hindi ka magkakaroon ng COVID-19 kapag naturukan ng COVID-19 vaccines. Wala sa anumang COVID-19 vaccines na dinedebelop sa ngayon sa U.S. na gumagamit ng 'live virus' na nagiging dahilan ng COVID-19. May ilang iba't ibang uri ng vaccines ang dinedebelop. Gayunman, ang layunin sa bawat isa ay turuan ang ating immune systems na kilalanin at labanan ang virus na nagiging dahilan ng COVID-19. Minsan sa proseso na ito ay nagiging sanhi ng sintomas, tulad ng lagnat. Ang sintomas na ito ay normal at senyales na ang katawan ay bumubuo ng immunity.


Karaniwang aabot ng ilang linggo bago ang katawan ay makabuo ng immunity matapos na mabakunahan. Ibig sabihin, posible na ang tao ay maaring mainfect ng virus na COVID-19 bago o matapos mabakunahan at magkasakit. Dahil ang vaccine ay walang sapat na panahon para magbigay ng proteksiyon.


Ang totoo: Hindi ka magiging positibo sa COVID-19 viral tests matapos mabakunahan. Ang mga bakuna na nasa clinical trials sa U.S. ay hindi magbibigay ng positibong viral tests bagamat may kasalukuyan kang impeksiyon. Kung magdedebelop ang katawan ng immune response, na siyang layunin ng pagbabakuna, may posibilidad na masusuri kang positibo sa ilang antibody tests. Sinasaad sa antibody tests na may nakaraan kang impeksiyon at ikaw ay may ilang antas ng proteksiyon kontra virus. Kasalukuyang sinusuri ng mga eksperto kung paanong ang COVID-19 vaccine ay nakaaapekto sa antibody testing results.


Ang totoo: Ang sinumang nagkakasakit dahil sa COVID-19 ay magiginhawahan matapos mabakunahan. Bunga na rin ng matinding banta sa kalusugan ang COVID-19 at posibleng madapuan uli ng naturang sakit, pinapayuhan ang tao na magpabakuna kung nagkaroon na siya dati ng COVID-19.


Take note, sa ngayon at hindi pa alam ng mga eksperto kung gaano katagal magiging protektado muli sa sakit ang tao matapos makarekober sa COVID-19. Ang immunity na minsang na-infect ang may natural immunity pero depende sa tao. May mga ebidensiya na ang natural immunity ay puwedeng hindi nagtatagal. Hindi pa batid kung ang immunity na mula sa bakuna ay nagtatagal depende sa mga data kung gaano ito kaepektibo.


Ang kombinasyon ng natural immunity at vaccine-induced immunity ay napakahahalagang aspeto ng COVID-19 na sinisikap matutunan ng mga eksperto at pipilitin ng CDC na maimpormahan ang publiko sa paglabas ng bagong mga ebidensiya.

Ang totoo: Kapag nabakunahan na ay nakatutulong para makaiwas muli na magkasakit ng COVID-19. Habang ang mga tao na may COVID-19 na may mild illness, iyong iba ay malubha o may namamatay walang paraan kung paano nakaaapekto nang husto ang COVID-19 sa iyo, kahit na hindi tumaas ang peligro ng malulubhang komplikasyon sa iyo. Kung nagkasakit ka at nahawahan mo ang iyong kaibigan, pamilya at iba pang tao sa paligid mo habang may sakit ka. Nakatutulong ang COVID-19 vaccine sa iyo sa pagkakaroon mo ng antibody response para hindi maranasan ang sakit.


Ang totoo:Ang pagbakuna ng mRNA vaccine ay hindi makaaapekto sa DNA. Ang mRNA ay isang messenger ribonucleic acid at inilalarawan kung paano lumilikha ng protina sa katawan. Hindi nakaaapekto ang mRNA o pinahihina ang genetic makeup (DNA) ng tao. Ang mRNA mula sa COVID-19 vaccine ay hindi pumapasok sa nucleus ng cell, kung saan naroon ang DNA. Ibig sabihin, ang mRNA ay hindi nakaaapekto o sumisira sa DNA. Sa halip, ang COVID-19 vaccines na gumamit ng mRNA ang nagpapalakas sa natural defenses ng katawan at maingat na nagdedebelop ng proteksiyon o immunity laban sa sakit. ​

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page