top of page

Antonietta, Procopio, Kurdapia etc... Paraan para matanggap mo ang maaskad mong pangalan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 29, 2020




Maaaring simpleng Juan ang iyong pangalan, ang pangalan naman ng iyong tiyuhin ay Procopio pero mas gusto sana nila na ang kanilang pangalan ay Sandy. Pero ngayon mukhang nasisikmura mo na ang iyong pangalan at wala ka na ring plano na palitan ito. Pero may madali namang paraan para matutunan mo na itong tanggapin.

1. ALAMIN ANG KAHULUGAN NG IYONG PANGALAN. Puwede mong silipin sa ‘baby name book’ o sa search engine gaya ng Google, “what my name means.” Oras na malaman mo kung ano ang ibig sabihin ng iyong pangalan, siguro ay sisimulan mo nang magustuhan iyan.

a. Tanungin ang mga magulang kung sino sa kanila ang nagbigay ng iyong pangalan at kung saan nila ito narinig. Lalabas na baka kapangalan mo ang pinakadakila sa inyong pamilya o kilalang mga tao noong panahong iyon. Basta malaman mo kung saan nakuha ang iyong pangalan ay may malaking impact sa bagay na iyong mararamdaman.

b. Pinagtatawanan ba ng iba ang iyong pangalan? Gustuhin mo man o hindi, ang ilang pangalan ay tampulan ng tukso lalo na sa eskuwelahan. Kung pinangalanan kang Lily, pagkatapos ay mataba ka, natural lang na tuksuhin kang ‘lilitsunin.’ Pinakamainam na humanap ka ng isang palayaw na puwedeng Leila, para wala silang pagkakataon na ikaw ay matukso pa. Hihinto na sila na tuksuhin ka kung tapat kang magsasabi sa kanila na hindi mo gusto na ginaganyan ka nila. Pero kapag natapos ka na sa pag-aaral ay tiyak na wala nang manunukso.

2. AYOKO NG PANGALAN KO KASI SOBRANG HABA NITO. Kung ito ang rason dapat magkaroon ka ng isang maigsing palayaw. Halimbawa ang Elizabeth ay puwedeng maging Liz o Liza. Ang Tomas ay Tom. Mag-eksperimento sa iba’t ibang palayaw at darating din ang oras ng tamang pangalan para sa iyo.

3. HINDI KO GUSTO ANG PANGALAN KO KASI SOBRANG LUMA. Darating din ang time na mababago mo rin magkaminsan ang itatawag sa iyo. Ang Martinico ay puwedeng maging Nico. Ang Roberta ay maging Robbi at ang Antonietta ay maging Toni.

4. ANG PANGALAN KO AY HINDI KO TYPE, KASI PANGALAN NG TAONG HINDI KO GUSTO. At dahil may tao na hindi mo sadyang gusto tapos ay halos kapangalan mo hindi ibig sabihin na pareho na kayo ng taong iyan.

a. Kung ang pangalan mo ay Danaya, pero namumuhi ka sa kaklase mong Danaya rin ang pangalan, isaisip na hindi habang panahon ay kaklase mo siya.

b. Hindi sinasadyang ang “identity theft” ay maaring mangyari kung talagang may katulad kang eksakto sa iyo ang pangalan hanggang apelyido. Halimbawa, nakatira ka sa isang lugar at pagkatapos ay may kapangalan kang ‘murderer.’ Iyan na siguro ang balidong rason para magpalit ka ng pangalan.

c. Gayunman, hindi naman gaanong problema kung magkakaroon ka ng kapangalan ng sikat na tao pero huwag lang siyang masangkot sa kontrobersiya o anumang katiwalian, tiyak na damay ang pangalan mo. Kaya puwede ka magpalit ng pangalan.

5. HINDI KO TALAGA MATANGGAP ANG PANGALAN KO. Maaring ito ang pinakamahirap na problema, dahil bukod sa isang palayaw wala kang magawa kung ganu’n kabantot ang pangalan mo.

a. Kung nasa adult age ka na, may kakayahan ka nang ipabago ang iyong pangalan, gawin ito pagsapit ng edad 18.

b. Maaaring palitan ang pangalan ayon sa permiso ng legal guardian o magulang, pag-usapan munang mabuti.

c. Kung nag-asawa ka na at ikinasal, tradisyunal na dadalhin mo rin ang apelyido ng mister. Okey lang iyon kung maganda ang pangalan niya kaysa mabantot mong apelyido, siyempre di ka naman nainlab sa kanya dahil sa kanyang apelyido.

d. Kung medyo na-offend ang mga taong nagpangalan sa iyo, mainam na huwag na lamang silang pansinin. Kailangan mong maunawaan na ito ay malaking kaso para sa kanila dahil alam nilang ikaw ang pinakamahalagang tao sa kanilang buhay. Kung malayo ka sa iyong magulang o kung ampon ka, kausapin ang tao na kumalinga sa’yo.

c. Maaring gamitin ang legal na pangalan sa magkaibang paraan. Puwedeng gamitin ang middle name halimbawa, gamitin ang inisyal na “JB.” Na puwedeng bigyang pansin ang apelyido na parang sa mga sundalo, sports at iba pang institusyon.

6. Tandaan na habang nagkakaedad, makikita mo ang mga bagay na kakaiba. Ang pangalan na ayaw na ayaw mo bilang teenager ay dadalhin hanggang sa pagtanda mo o magiging sikat ka at ang iyong kakaibang pangalan ay magiging popular na rin.

7. Huwag sasabihin sa marami na hindi mo gusto ang iyong pangalan. Hayaan lang na dumating ang oras na masabi sa kanila ang tunay na pangalan habang palayaw lang ang alam nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page