Search
  • BULGAR

Anti-bacterial facemask, patok dahil epektib na pangkontra sa virus!

ni Ka Ambo - @Bistado | June 23, 2020



Nagbabala na naman ang World Health Organization (WHO) sa posibleng mas grabeng sitwasyon dahil sa napipintong second wave attack ng COVID-19.

Pero, nagte-tengang kawali ang mga lider ng gobyerno.

Tuloy pa rin ang pagpapaluwag ng lockdown!

◘◘◘

PUWEDENG ibalik ang galaw ng tao upang masagip ang krisis sa ekonomiya.

Pero, dapat lahat ng pagkilos ay palaging nakatuon sa pagkontra sa pandemic.

Mahalagang magkusa ang pribadong sektor lalo na ang mga negosyante na tumulong laban sa paglaganap ng virus!

◘◘◘

DAPAT lahat ng negosyante ay gumawa ng mga produktong kokontra sa pandemya.

Kung ang lahat ng sektor ay nag-aambag ng aktibidad kontra sa virus, mabilis itong masusugpo!

◘◘◘

SA totoo lang, lahat ay dapat nagtutulung-tulong laban sa COVID-19.

Kumbaga, dapat nakapokus ang lahat ng aktibidad kontra sa pandemya!

◘◘◘

NATUTUWA tayo sa ulat na may mga produktong facemask na kumokontra sa bakterya at virus.

Kumbaga, imbes na simpleng takpan ang bibig at ilong ng facemask, bakit hindi gumamit ng tela o materyales sa facemask na papatay mismo sa virus o bacteria?

◘◘◘

ILULUNSAD sa Hunyo 30 ang produkto na ganyan ang diskarte.

Ito ay “Someday, Maybe” anti-bacterial facemasks!

◘◘◘

IDINESENYO ang art works ng naturang facemask ng 16-anyos na si Nika Llamanzares na isang water-color artist.

Ito ang unang produkto ni Nika na maisasapubliko na kakikitaan ng Japanese inspired landscape na may tanawin ng karagatan, at may maaliwalas na espasyo!

◘◘◘

ANG “Someday, Maybe” anti-bacterial clothing line ay magkatuwang na itinataguyod ni Brian Poe Llamanzares at TV host na si Roxanne Monte-Alegre.

Sinadyang nilikha ang mga produkto bilang tugon sa pandemya para mabigyan ng proteksiyon ang mamamayan na nagnanais na magbalik sa trabaho nang ligtas sa anumang sakit!

◘◘◘

KAKAIBANG produkto ito na tiyak na papatok sa kabataan.

Wika ni Roxanne,“Our goal was to help our fellow Filipinos adjust to the new normal by giving them safe and affordable daily wear. We remain hopeful, and at the same time our company aims to do something to help those we can.”

◘◘◘

ISANG oportunidad naman sa tinedyer na si Nika na maging bahagi ng bagong inobasyon gamit ang kanyang pagiging artist.

“Nika is an amazing artist. Not a lot of people know that about her, so I’m so happy that we’ll be sharing her talent with the world through our masks!” wika ni Brian.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.