Search
  • BULGAR

Ano ba ang good manners sa paggamit ng social media

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 28, 2020




Habang nasa social media ka kung minsan ang tao ay nakakalimutan ang ugali na kailangan. Nagpo-post sila ng mga kakaiba at sobrang masasakit na komento sa araw-araw.


1. Umayos ka gaya ng ginagawa mo sa totoong buhay.

Sa totoong buhay, marami ang sumusunod sa rules at ayaw na makasakit sa damdamin ng ibang tao. Gayunman, para sa iba ay parang nawawala ang rules pagdating sa cyberspace dahil sa kakulangan ng konsekuwensiya. Pero ang mainam na manners sa social media ay tulad din sa isang tunay na buhay. Ang kakulangan sa konsekuwensiya ay hindi dapat na huminto mula sa pag-uugali ng pagiging level headed at nasa ayos ka.


2. Respetuhin ang oras ng ibang tao.

Ang tamang ugali sa social media ay dapat respetuhin ang oras ng ibang tao. Huwag lagyan ng spam websites ang inboxes ng iba. Kung magpapadala ng dose-dosenang kopya ng pare-parehong mensahe, sinasayang mo ang oras ng tao dahil babasahin niya isa-isa ito at buburahin. Bilang dagdag, huwag nang padala ng junk, spam o iba pang nonsense na alam mong ayaw makita ng isang tao. Kung pinagtitiwalaan ka ng tao na mabuksan ang kanyang email address, huwag mong abusuhin ang tiwala na iyon.


3. Maging mapagpatawad.

Maging mapagpatawad sa ibang tao sa cyberspace. Hindi naman makokontrol ang mga taong adik sa internet. Kaya kung may nagkamali man, kailangan mong magpatawad at tapat na ituwid sila. Bilang dagdag, ituwid mo lang ang isang tao sa pribadong pagpapadala ng mensahe. Huwag mo nang i-post ang pagkakamali ng iba sa public forum. Dinadaan mo sa kahihiyan ang tao at kabastusan ito sa ganitong pagtawag mo sa naturang tao.


Ang isa pang ehemplo na kailangang maging mapagpatawad ay ang mga website errors o incorrect links. Kung minsan ang websites ay hindi umuubra sa paraan na kailangan. Hindi iyan ang dahilan para mag-send ng webmaster hate mail. Mahinahon at konstruktibong mag-email sa webmaster hinggil sa problema at magbigay ng impormasyon hangga’t kaya mo.


4. Gumamit ng tamang Ingles.

Ayon sa "Etiquette and Manners for the Contemporary Woman" website, kapag magtitipa ng mensahe sa social media, kinokonsiderang good manners ang paggamit ng tamang Ingles. Gumamit ng tamang sentence structure, grammar at spelling para mas madaling mabasa at maunawaan ang inyong impormasyon. Huwag ding magsusulat ng all capitals, na para bang sumisigaw ka o lahat ay lowercase letters, dahil mukha ka namang tamad sumulat.


Gumamit ng tamang capitalization para maipakita na may oras ka at diskarte sa iyong pagsusulat.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.