Angels, Cool Smashers at HSH mga swak na sa AVC Q'finals
- BULGAR
- Apr 23
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports News | Apr. 23, 2025
Photo: Nagpakawala ng malupit na atake si PLDT High Speed Hitters spiker Savi Davison upang hindi mapigilan sa depensa ng katunggaling si Anyse Mar Lee ng Nakhon Ratchasima Thailand sa kasagsagan ng kanilang laro sa AVC Women's Volleyball Champions League kahapon sa PhilSports Arena. (Reymundo Nillama)
Kapwa masisilayan sa quarterfinal round ang Petro Gazz Angels, Creamline Cool Smashers at PLDT High Speed Hitters na sasabak sa magkahiwalay na laban sa 2025 AVC Women’s Champions League sa Philsports Arena sa Pasig City sa Huwebes at Biyernes.
Nagtapos ang preliminary game ng Cool Smashers nitong Lunes ng gabi sa Pool A laban sa Zhetysu ng Kazakhstan sa straight sets na 16-25, 17-25, 17-25, subalit nakapasok ang Creamline sa quarters matapos talunin ng Kazakhs squad ang Jordanian team kahapon sa bisa ng 25-10, 25-15, 25-11.
Sa kabilang banda, kinapos namang makapagtala ng reverse sweep ang PLDT laban sa Nakhon Ratchasima sa pamamagitan ng 26-24, 25-20, 20-25,20-25,15-9, kahapon.
Ang buong akalang mabilis magtatapos ang laro kasunod ng 2-0 bentahe ng Thai spikers, nabuhayan ng husto ang High Speed Hitters sa third at fourth set sa bisa ng mga atake nina Savi Davison, Wilma Salas at Dell Palomata upang dalhin sa deciding set ang laro.
Nagawa pang makadikit ng PLDT sa 8-8 iskor sa fifth set subalit nagsunod-sunod ang errors at atake ng Nakhon Ratchasima upang makuha nito ang top spot para sunod na kalabanin ang No.2 seed na Creamline, habang makakatapat naman ng PLDT ang Pool A top ranked Zhetysu VC sa susunod na round.
Nakapasok din ng quarterfinals ang Petro Gazz Angels nang tilarin sa tatlong straight sets ang Hip Hing ng Hong Kong kagabi, 25-8, 25-12 at 25-12 sa bisa ng 17 points ni Giovina Day.
Swak na rin sa QF ang VTV Binh Duen Long An ng Vietnam vs. Iran na nagresulta sa 22-25, 25-15, 25-20, 25-15 upang makuha ang second spot sa Pool C. Sunod na makakatapat nito ang top ranked ng Pool B na Kaohsiung Taipower ng Chinese-Taipei sa knockout round ng torneong suportado ng federation partners.
Comments