top of page

Angels at Tiggo Crossovers, matibay ang tsansa sa semis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | July 14, 2023




Parehong naglista ng magkakasunod na panalo ang last conference runner-up Petro Gazz Angels at Chery Tiggo Crossovers sa magkahiwalay na laro upang patibayin ang tsansa sa top-two semifinal spot kahapon sa mas umiinit na salpukan ng preliminary round ng 2023 Premier Volleyball League Invitational Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.


Binitbit ni Gretchel Soltones ang Angel nang itala nito ang game-high 31 puntos upang pangunahan ang 7-0 run sa 5th set para ibigay ang unang pagkatalo sa F2 Logistics Cargo Movers sa bisa ng 20-25, 25-22, 25-12, 33-35, 15-9 sa ikalawang laro, habang madaling winalis ng Chery Tiggo ang baguhang Gerflor Defenders sa 25-19, 25-20, 25-18 unang laro sa nakalistang quadruple-header na bakbakan.


Bumanat ng husto sa mga importanteng tagpo sa deciding set ang dating three-time NCAA MVP mula San Sebastian College-Recoletos Lady Stags upang mailista ang 26 puntos mula sa atake kasama ang 4 blocks at isang service ace para tumabla sa Cargo Movers sa 3-1 kartada at magkaroon ng malaking tsansa patungong semis sa tinaguriang “Group of Death” na Pool B. “Tingin ko naman may kanya-kanya kaming goal, pero sabi ko kapag binigay sa akin 'yung bola ibibigay ko ang lahat para makatulong sa team,” pahayag ng 27-anyos mula Catmon, Cebu para sa ikatlong sunod na panalo.


Sumuporta sa puntusan para sa Angels sina Sabete na may 20pts, Pontillas sa 15pts at Palma sa 12pts, habang lumista ng doble-doble pigura si libero Cienne Cruz sa 23 excellent reception at 19 digs. Nabulilyaso ang kagustuhan ng Cargo Movers na manatiling undefeated na pinagbidahan ni Majoy Baron sa 16pts, limang blocks at isang ace, habang nag-ambag sina Ivy Lacsina ng 15pts, Kim Kianna Dy sa 12pts at Jolina Dela Cruz sa 10pts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page