Angel Locsin, binuweltahan ang ‘nepo baby’ comments sa stepson na si Joaquin Arce
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Cristine Marish Rivera @Showbiz News | February 26, 2026

Photo FIle: Joaquin Arce at Angel Locsin-Arce - PBB-FB
“‘Wag bitter. Nakakapanget yan”
Hindi nakapagpigil ang aktres na si Angel Locsin na ipagtanggol ang stepson nito na si Joaquin Arce matapos tawaging “nepo baby” ng netizens.
Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Angel na nagulat siya sa mga ganitong klaseng comments kahit aniya bihira siya mag-social media.
“Bihira lang akong mag-social media ha. Pero nagulat ako sa comments ng ilang tao dito. Ano namang kasalanan ni Joaquin at naging asawa ko ang dad n'ya para ma-brand s'ya as nepo baby?” ayon sa aktres.
Kaugnay nito, binalikan ni Angel ang kanyang humble beginnings sa industriya, “Para namang hindi ako nagdyip o bus papuntang tapings ko dati. Ka-level ko pala si Discaya? Lol. Pero yung pera ko hindi galing sa nakaw.”
Sa parehong post, ni-reveal din ni Angel ang monetary support na ibinigay niya para kay Joaquin sa buong Pinoy Big Brother (PBB) journey nito.
“‘Yung 12k na boto ko kay Joaquin sa buong journey n'ya, baka dagdagan ko maasar ko lang yung ibang makagawa ng issue. My son could have asked me for a project, but ang hiniling n'ya is mag-audition sa PBB,” aniya.




Comments