top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 25, 2022



Tila pinagsasabong sina Angel Locsin at Toni Gonzaga ng kampo ng dalawang presidentiables na sinusuportahan nila.


Viral sa socmed ngayon ang pahayag ni Angel tungkol sa Malacañang during her speech sa ginanap na rally ng Kakampink na partido ni presidential aspirant VP Leni Robredo sa Pasay City, last Saturday.


Prior to Angel’s speech ay umani na ng batikos si Toni dahil sa sinabi niya sa rally ng BBM-Sara team na babalik na sa kanyang tahanan sa Malacañang ang anak ng diktador na si Ferdinand Marcos na si Bongbong.


Sabi ni Toni, “Konting-konting panahon na lang, babalik na si BBM sa kanyang tahanan — ang Malacañang.”


Sa Twitter ay ipinost ng mga netizens ang pahayag ni Angel, "Ang Malacañang ay para sa taumbayan... ‘yung tungkol du’n, ayoko nang pag-usapan."


Sigaw ng nag-tweet, “SHEEEEEET, UNGKATAN NG PAST!!!!”


Kasunod nito ay ang sunud-sunod na reply ng ibang netizens by posting pictures na mula sa ilang eksena sa movie na Four Sisters and A Wedding kung saan magkasama sina Angel at Toni.


Pinaglaruan ng netizen sa Twitter ang ilang eksena nina Toni at Angel sa movie.


May nag-tweet ng linya ni Coney Reyes na siyang gumanap na ina nina Toni at Angel on the said movie.


Say ni Coney, “Nag-aaway ba kayo?”


Sagot nina Angel at Toni, “Naglalaro lang po kami ng… charades, Ma.”


May linya si Toni sa movie tungkol sa nakaraan nilang magkakapatid kasama sina Bea Alonzo at Shaina Magdayao na ikinonek ng mga netizens.


Linya ni Toni sa movie, “Oh, my goodness! Ungkatan ng past!”


Geleng-geleng ng mga netizens mang-intriga, deeevah?!






 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 25, 2021



Hinikayat ng Quezon City Government na sumailalim sa libreng COVID-19 swab testing ang mga residente na pumunta sa inorganisang community pantry ni Angel Locsin kamakailan.


Ayon kay Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) Chief Dr. Rolando Cruz, ang mga residenteng nakararanas ng mga sintomas ng COVID-19 katulad ng sipon at ubo ay maaaring magpa-book ng appointment online sa http://bit.ly/QCfreetest.


Maaari rin umanong kontakin ang mga numerong 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086, 0931-095-7737. Pahayag ni Cruz, “Hindi natin puwedeng isantabi ang posibilidad na nagkahawahan dahil sa dami ng dumalo. Mabuti nang makasiguro na hindi natin mahawahan ang ating pamilya at mga kasama sa komunidad.”


Sa community pantry ni Angel, dumagsa ang mga tao at nagkasiksikan. Aminado rin ang aktres na nalabag ang ilang COVID-19 health protocols dahil hindi umano makontrol ang mga tao. Nanawagan din ang CESU sa kampo ni Angel na makipag-coordinate sa city government upang mabilis na ma-identify at maisailalim sa testing at isolation ang mga residenteng makikitaan ng sintomas ng COVID-19.


Saad pa ni Cruz, “Our office will remain open for support from Ms. Locsin and her camp, considering the effort and cost of doing testing and contact tracing of those who participated in the community pantry. We hope to be furnished with any pertinent information that could aid us in immediately identifying, testing and isolating suspected COVID-19 cases.”


Nagpasalamat din naman si Mayor Joy Belmonte sa layunin ng proyekto ni Angel kasabay ng panawagan niya sa kampo ng aktres na tumulong sa pag-identify ng mga residenteng nakararanas ng sintomas ng COVID-19.


Pahayag ni Belmonte, “Nananawagan ako kay Angel na makiisa sa hakbang ng lungsod na matugunan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng maagang pagtukoy sa mga bagong kaso, lalo na sa hanay ng mga nagpunta sa community pantry na kanyang inorganisa.”


 
 

ni Lolet Abania | April 24, 2021




Hindi umano inabisuhan ng aktres na si Angel Locsin ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pagsasagawa nito ng community pantry na naging dahilan umano ng pagkamatay ng isang lolo.


Sa isang pahayag kay QC Mayor Joy Belmonte, binanggit nitong maaaring naiwasan ang insidente kung nagsabi lamang ang aktres tungkol sa gagawing community pantry.


Labis na ikinalungkot ng alkalde ang nangyari kasabay ng paalala nito sa lahat ng pantry organizers na dapat makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal para matulungan at maserbisyuhan sila nang maayos.


Gayunman, ayon kay Belmonte, patuloy pa rin ang suporta ng lungsod sa mga itinatayong community pantries subali't dapat na makiisa sa mga hakbang at may koordinasyon sa barangay at LGU ang lahat ng organizers nito para hindi na maulit pa ang insidente.


Matatandaang namatay ang isang senior citizen na si Rolando dela Cruz. Hinimatay ito habang nakapila sa community pantry ni Locsin sa Holy Spirit Drive sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City at kalaunan ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital.


Nagpaabot naman ng pakikiramay ang aktres sa pamilya ng 67-anyos na balut vendor. Sinabi ni Locsin na habambuhay siyang hihingi ng kapatawaran sa naiwang pamilya ni Mang Rolando. Nakahanda namang tulungan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pamilya ng biktima.


Ipinahayag ni Belmonte na sasagutin nila ang mga gagastusin sa burol habang magbibigay ng tulong-pinansiyal sa pamilya nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page