top of page

Ang status ng 3 pang COVID-19 vaccine sa mundo na nasa clinical trials na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 18, 2020




Natalakay natin kahapon ang hinggil sa status ng Novavax vaccine ng Maryland U.S.A. at ang Johnson & Johnson na may JNJ-78436735 vaccine.


Una nating nai-published ang mga pangunahing vaccine na nasa phase 3 trials na tulad ng Astra Zeneka, Pfizer vaccine, ang Sputnik V ng Russia, at Sinovac ng China etc. maging ang Covaxin ng India.


Narito ang 3 pang COVID-19 vaccine na nasa clinical 3 trials na rin. Mula pa rin sa artikulo ni Amy McKeever ng National Geographic.


May 150 coronavirus vaccine na ang tinutuklas sa buong mundo at inaasahan ng mga siyentipiko na maging available na ito sa merkado sa 2021 sakaling magtagumpay ang mga ito at magkaroon ng magandang epekto sa kalusugan ng tao.


1. Ang Murdoch Children's Research Institute ay may Bacillus Calmette-Guerin Brace Trial. Sila ang pinakamalaking child health research institute sa Australia, katuwang ang University of Melbourne.


Sa halos isang daang taon, ang Bacillus Calmette-Guerin (BCG) vaccine ay ginagamit na gamot kontra tuberculosis kung saan ine-expose ang pasyente sa isang maliit na dosage ng buhay na bacteria. Ang ebidensiya ay matibay sa loob ng maraming taon na ang bakuna ay nagpapalakas ng immune system at natutulungan ang katawan na labanan ang iba pang mga sakit. Iniimbestigahan ng researchers kung ang benepisyo ba na ito ay maaring makagamot din kontra SARS-CoV-2 at ang trial na ito ay umabot na sa phase 3 sa Australia.


Noong Abril 12, sinabi ng World Health Organization na wala pang ebidensiya na ang BCG vaccine ay nagbibigay proteksiyon sa tao kontra infection ng coronavirus. Ayon sa status, noong Abril, ang researchers mula sa Murdoch Children's Research Institute ay nagkaroon ng ilang serye ng randomized controlled trials na susuri kung ang BCG ay kokontra sa coronavirus. Kukuha sila ng 10,000 healthcare workers para sa naturang pag-aaral.


2. Ang CanSino Biologics na may Ad5-nCoV. Isa itong Chinese biopharmaceutical company. Ang CanSino ay nagdebelop ng viral vector vaccine, mula sa ginamit na mahinang bersiyon ng adenovirus bilang daan sa pagpapakilala ng SARS-CoV-2 spike protein sa katawan. Ilang preliminary results mula sa phase 3 trials ang lumabas sa babasahin ng The Lancet, at ipinakitang ang vaccine ay nakapag-produce ng "significant immune responses' sa mayorya ng tinurukan matapos ang 'single immunisation." Wala namang naging masamang epekto sa katawan ng naturukan ang naidokumento.


Base sa status, ang kumpanya ay nananatiling nasa phase 2 ng trial. Noong Hunyo 25, ang CanSino ang naging unang kumpanya na nakatanggap ng limitadong approval na maiturok sa tao. Inaprubahan kasi ng Chinese government ang vaccine para lamang sa mga kawal, sa loob ng isang taon. Noong Agosto 15, inanunsiyo ng Russian biopharmaceutical company na Petrovax na inilunsad na ang unang phase 3 clinical trial ng Ad5-nCoV.


3. Ang Vector Institute ay may EpiVacCorona. Ito ay isang Russian biotechnology institute. Isa itong peptide vaccine, ibig sabihin ginagamitan ng 'small fragments ng viral antigens na tinatawag na peptide na pampalakas ng immune.


Ayon sa status, noong Okt. 14, nagbigay ang Russia ng regulatory approval sa EpiVacCorona bagamat ang vaccine na ito ay wala pang nai-published na anumang resulta at hindi pa tumutuntong sa phase 3 clinical trials. Ito ang ikalawang vaccine candidate ng Russia na aprubado nang gamitin sa kabila ng kakulangan ng na-published na ebidensiya hinggil sa kaligtasan at pagka-epektibo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page