Ang kainaman na may sports agad ang bata sa maagang edad
- BULGAR

- Oct 12, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 12, 2020

Ang mga organized sports ay dapat na entertaining at competitive at naglalaan sa mga bata ng tsansa na mahasa ang pisikal na kakayahan at matutunan ang hingil sa parehas na laro at commitment. Habang ang ibang liga ay para sa mga bata, mayroon naman na nasa iba’t ibang antas, ang karaniwang organisadong sports ay nagsisimula sa hayskul. Maraming advantages at disadvantages ang may kaugnayan sa inorganisang team sports.
1. Epekto sa katawan.
Ang pagkakaroon ng sports ang nagpapaibayo sa tiwala sa kanyang sarili pareho sa lalaki at babae, at ito rin ang magbibigay sa kanila ng oportunidad na itaas ang kalidad ng buhay sa pamamagitan ng ehersisyo. Ang mga batang may sports kaagad ay hindi nagiging overweight, maganda ang positibong imahe ng katawan, lalo na sa mga babae. Iyong mga batang maaga pa lang na namulat na sa sports ay lumalaki na hindi titikim ng droga, hindi iinom ng alak at hindi mag-aasawa habang teenager o nag-aaral pa lamang. Ang pisikal na aktibidad ay nakakawala ng pagiging malulungkutin at pag-aagam-agam.
2. Nalilinang ang skills o kakayahan.
Ang mga batang may sports ay nahahasa ang iba’t ibang kakayahan niya. Ang kakayahan niya sa pakikisalamuha ay matututunan, higit na nagiging maganda ang kanyang pakikisama sa mga kaibigan habang lumalaki siya. Natututunan din ng indibidwal ang disiplina sa pagpapraktis at sipag. Naitatakda ng bata ang kanyang tutuparing mga layunin sa isang espesipikong laro. Ang liderato at kritikal na kakayahan sa pag-iisip ay nahahasa sa pamamagitan ng teamwork at game strategies.
3. Injuries
Isa sa pangunahing disadvantages sa paglalaro ng sports ay ang masaktan o ma-injured. Posible talaga sa isang atleta na masaktan partikular ang kanilang mga tuhod at iba pang parte ng katawan. Ang mga batang naglalaro ng contact sports, tulad ng football at basketball ay mas madaling magkaroon ng injuries.
4. Kompetisyon.
Sa ilang pagkakataon, ang kompetisyon ang makatutulong sa mga bata na malinang ang skills mula sa iskul hanggang sa trabaho, pero sa iba pang sitwasyon, ang kompetisyon ay may nakasasamang epekto sa bata. Ang mga batang nakikita ang tagumpay sa paglalaro ng sports ay higit na gustung-gusto na mas maging mahusay pa kaya naman ang kanilang schoolwork ay apektado. Maaari nilang maranasan ang sobrang tensiyon na manalo at maglaro na mabuti. Iyong mga sobrang hindi ka-match sa katawan ay parang dama nila na hindi na nakasisiya sa kanila ang maglaro bagkus ay kinakantiyawan pa at binu-bully ng kalaban.








Comments