top of page
Anjo Yllana vs TVJ - Ogie Diaz Inteview - YT.jpg

Ang bigat, ‘di naman daw siya pumatay… ANJO, PINAGBABAYAD NG P3.5 M SA PANINIRA SA TVJ, PUMALAG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | July 8, 2026



Ogie Diaz Inteview - YT

Photo: Ogie Diaz Inteview - YT



Todo-reklamo ngayon si Anjo Yllana na umano’y masyadong mabigat ang ipinataw na parusa sa kanya matapos siyang obligahin ng korte na magbayad ng P3.5 million na danyos sa TVJ Productions kaugnay ng kanyang mga naging pahayag sa social media.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa Ogie Diaz Inspires, inamin ni Anjo na hirap siyang tanggapin ang halaga ng danyos at balak niya itong iapela.


“Masyadong mabigat kaya nga mag-a-appeal ako,” sey niya.

Dagdag pa niya, wala naman daw siyang ginawang krimen gaya ng pagpatay, pagnanakaw o pananakit para mapatawan ng ganu’n kabigat na parusa. 


Ayon pa sa komedyante, inilabas lang niya noon ang kanyang emosyon at opinyon, kaya pakiramdam niya ay sobrang bigat ng naging kapalit.


Ipinaliwanag din niyang gusto niyang kuwestiyunin ang naging basehan ng damages dahil para sa kanya, hindi naman nalugi ang TVJ Productions.


Nag-ugat ang kaso sa TikTok (TT) livestream ni Anjo noong nakaraang taon kung saan sinabi niyang may umano’y ‘sindikato’ na kumikilos sa loob ng Eat… Bulaga! (EB!).

Noong Hunyo 29, nagdesisyon ang hukuman na pagbayarin siya ng P3.5 milyong danyos matapos mapag-alamang nakasira umano ang kanyang mga pahayag sa reputasyon ng TVJ Productions at ng mga hosts nito.





NO goodbyes daw para kay Belle Mariano pagdating sa kanilang love team ni Donny Pangilinan dahil naniniwala siyang pansamantala lamang ang kanilang paghihiwalay habang tinatahak nila ang kani-kanyang landas bilang mga artista.


Sa isang video message, nag-look back si Belle sa kanilang seven-year journey bilang magka-love team at magka-partner sa trabaho.


“To Nato (Donny), thank you. Thank you for being my partner through every chapter of these seven years. Thank you for being the most reliable anchor throughout this whirlwind of a ride. From our very first workshop together to our late night shoots, you've been my constant teammate, my confidant, my partner in every sense of the word,” mensahe ni Belle.


Dagdag pa niya, malaking bahagi ng kanilang journey ang mga pangarap na sabay nilang naabot, pero panahon na rin umano para tahakin nila ang kani-kanilang path bilang individual artists at bilang mga tao.


“This is not a goodbye. It’s simply a ‘see you later’. While we explore new skies, and I promise, I will always be your biggest cheerleader from across the room,” emosyonal na pahayag ng aktres.


Matatandaang inanunsiyo nina Belle at Donny na ang pelikulang Tayo sa Wakas (TSW) ang magiging last project muna nila bilang love team habang pareho nilang ine-explore ang mga bagong oportunidad sa kani-kanilang career.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page