top of page

Andi, may kapalit na? JAKE, MAY IDINISPLEY NA BABAE SA AMSTERDAM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 3
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 3, 2025



Photo: Jake Ejercito - IG


May post si Jake Ejercito sa kanyang Facebook (FB) at Instagram (IG) account kung saan nakasakay at nakaupo sa isang tila tren o ferry boat habang nasa ibang bansa.


May babaeng nakatayo sa kanyang harapan na naka-backless.


Nilagyan niya ito ng caption: “Paki-claim po ng likod,” na naging usap-usapan sa socmed (social media).


Hindi pinangalanan ni Jake ang babaeng naka-white.


Isang commenter ang nag-react, “For sure, hindi ako ‘to, huhu may bilbil likod ko. Hahahaha.”


Nag-reply naman ang aktor, “You call it bilbil, I call it appeal.”

Another netizen posted an edited version of the photo where the woman was erased, adding the caption, “Na-claim na,” which prompted Jake to reply,

“May sharks pala sa Amsterdam.”


Sino nga kaya ang girl na nasa harapan ni Jake?


Hindi naman daw si Ellie ‘yun, ang anak nila ni Andi Eigenmann.


Kilala kasi ang aktor na mahilig magkomento sa larawan ng mga witty words kapag kausap ang anak.


Well, hindi raw kaya ang mysterious girl ngayon ang nakapagpabihag sa choosy heart ng aktor?


Pinadalhan ng bulaklak after mahiwalay kay Kobe… KYLINE: I FEEL SO LOVED


NA-AMAZE si Kyline Alcantara nang padalhan siya ng flowers ni Marian Rivera.


Sa kanyang Instagram (IG) Stories, ibinahagi niya ang photo ng bouquet kung saan assorted colors ang mga ito — pink, blue at yellow flowers.


May caption na nakalagay sa bouquet: “With all my love, Ate Yan.”

“I feel so loved,” ani ng Kapuso actress sa kanyang photo.


“Thank you so much, Ate [Marian Rivera],” at saka pinasalamatan ang Primetime Queen at itinag. 


Ang pagpapadala ng mga flowers ni Marian kay Kyline ay bilang suporta sa pinagdaraanang isyu nito ngayon.


Samantala, nais na ng controversial Kapuso actress na mag-move on na sa isyu tungkol sa kanila ng ex-boyfriend na si Kobe Paras, ayon sa inilabas na statement ng GMA Sparkle Artist Center.




HUMINGI ng tulong si Jennica Garcia sa publiko para sa soundproofing ng kanyang kuwarto dahil sa ingay na naririnig sa kahabaan ng EDSA.

Aniya, “Help this auntie.”


Ayon sa aktres, hindi na siya makatulog nang maayos dahil sa sunud-sunod na busina, ambulansiya, at mga mabilis na sasakyan sa madaling-araw.


Tatlong buwan na raw siyang naninirahan sa bagong bahay ngunit hindi pa rin siya nasasanay sa ingay. Ibinahagi rin niyang hindi epektibo ang ear plugs at naapektuhan na ang kanyang pagtulog at well-being.


Sa isang viral post, hiniling niya sa publiko na matulungan siyang makahanap ng maaaring i-hire para i-soundproof ang kanyang silid-tulugan.


“Can you lead me to someone I could hire to soundproof my bedroom? The sound is coming from my window. I live along EDSA and road sound such as cars honking, ambulances, fast cars at 3 in the morning wake me up in the middle of my sleep.”


Aminado si Jennica na hindi naging madali para sa kanya ang manirahan sa bagong lugar kahit pa 3 buwan na siyang naka-settle ru'n.


Ayon sa kanya, hindi rin apektado ang mga kuwarto ng kanyang mga anak, kaya tiniis niya ito sa pag-asang masasanay din siya.


Ngunit, tila hindi sapat ang kanyang pasensiya — at lalo nang hindi rin nakakatulong ang paggamit niya ng ear plugs.


Sey niya, “I thought I could get used to it especially since my children’s bedrooms are not affected anyway, but I’ve moved for almost 3 months now. Ear plugs are not helping either.”


Umani ng simpatya mula sa mga netizens ang kanyang post, at marami ang nagbigay ng suggestions at referrals para sa soundproofing.


Ang iba naman ay nagbahagi rin ng kanilang mga personal na solusyon para sa ganitong uri ng problema.


Mula sa simpleng curtains hanggang sa full window replacement, tila lahat ay gustong makatulong kay Jennica, na tinawag ang sarili niyang ‘Auntie’ sa post.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page