top of page

Anak ni Gretchen, ayaw daw ng gulo… DOMINIQUE, WALANG INIMBITA KAHIT ISANG BARRETTO SA KASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2023
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 9, 2023




Maraming netizens ang nagtanong kung bakit hindi invited si Claudine Barretto sa kasal ng anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco.


Tanong ng isang fan ni Claudine, “Hi @claubarretto, ba’t wala ka po sa wedding ng anak ni Gretchen at sa despedida de soltera din, wala ka. Hinahanap kita sa video ng kasal ni Dom, kaso wala ka. ‘Di ka ba invited and may something ba ulit kayo ng ate mo?”

Isang netizen ang sumagot, “Ayaw daw ni Dominique, walang Barretto family member na invited.”


Hindi lang si Claudine ang tinatanong ng mga netizens kundi maging ang Barretto family ni La Greta, lalo na ang kanyang inang si Inday Barretto.


Usap-usapang hindi raw ipinaimbita ni Dom ang mga ito, how true naman kaya?


Ibinase ng mga netizens ang kanilang mga haka-haka sa ipinost ng friend ni Gretchen na si Mimi Que, isa sa mga ninang nina Dominique at Michael Hearn.


Ang dami umano nitong ipinost sa kanyang Instagram, ngunit wala silang nakita kahit isang Barretto man lang.


Narito ang mga komento ng mga netizens:


“Dom, (is) not really (close, talaga) sa Barretto side and that's okay. Siyempre (halos) dekada rin na may issue si Gretchen (sa kanyang) parents, at siblings, at mas okay na (‘yung) ganyan, at least, peaceful ang wedding niya.”


“She used to be BFF with Dani (Barretto, anak ni Marjorie).”

“Dom used to be close with Claudia, sayang naman."


"Wow, ang gagaling ng mga netizens to assume. She probably need to deal first some other issues kaya wala siya d’yan, jusko."


“Kahit siguro ako, kung ako si Dominique, hindi ko rin iimbitahin (ang) pamilya ko kung ganyan lang din kagulo at may history ng gulo kapag may family events. It's the most special day of her life, she just wants to feel happy at walang worries na dapat ganu'n naman talaga sa mga bawat ikakasal. Invite who you want to be there, invite the people who won't make any trouble. This wedding is about her and her husband, no one else.


"Their wedding, their rules. Mga Pinoy kasi, gusto lahat imbitahin, eh. Mas inuuna pa 'yung iisipin ng ibang tao kesa sa makakapagpasaya sa kanila at makakapagbigay ng peace of mind.”


“I get her. It's their day ng hubby niya, and knowing the Barrettos, magkaka-issue lang. Let's not blame her for wanting a peaceful life."

Σχόλια


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page