Anak ni DOJ Sec. Remulla, bagong Congressman sa Cavite
- BULGAR
- Feb 26, 2023
- 1 min read
ni Joy Asis | February 26, 2023

Ipinroklama na bilang bagong kinatawan ng Cavite 7th District ang anak ni Justice Secretary Boying Remulla na si Cavite Board Member Crispin “Ping” Remulla sa isinagawang special election kahapon ng Comelec.
Ang nakababatang Remulla ang pumalit sa pwesto ng ama matapos itong magbitiw para tanggapin ang alok ni Pangulong Bongbong Marcos na maging kalihim ng Department of Justice (DOJ)
Batay sa official count ng Commission on Elections (Comelec), si Remulla ay nakakuha ng 98,474 votes, o 66.67 percent sa kabuuang total number of voters na bumuto sa special election.
Ang kanyang katunggali ang independent candidate na si Jun Sagun, ay nakakuha ng 46,530 votes, habang sina Lito Aguinaldo at Mike Santos ay nakakuha ng 1,610 at 1,068 votes, respectively.
Ang Cavite 7th district ay binubuo ng 1 siyudad at tatlong bayan. Ito ang Trece Martires City at ang bayan ng Amadeo, Indang, at Tanza.
Comentários