ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 31, 2024
Ang bunso at nag-iisang anak na babae ni Konsehala Aiko Melendez na si Marthena Melendez Jickain ay nagdiwang ng kanyang 18th birthday kamakailan sa isang pribadong venue sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.
Intimate ang party dahil pawang close friends, ninong at ninang lang ni Marthena ang mga bisita at pamilya nila.
Iisa ang nasabi ng lahat ng nakakita sa video ng debutant, ang ganda-ganda niya at puwedeng-puwedeng mag-artista tulad ng Mama Aiko at Kuya Andre Yllana niya at puwede ring maging beauty queen.
Pero ang sagot ng dalaga sa one-on-one interview niya sa vlog ng Mama Aiko niya na in-upload sa YouTube nu'ng isang gabi, “Hindi po! Right now, it’s not my focus. Parang hindi pa ako masyadong out of my shell for that kind of stretch out of my comfort zone. So, gusto ko munang mga endorsements muna kung meron, (kaya) guys, baka naman,” napangiting sabi ni Marthena.
Incoming college freshman na ang dalaga sa Ateneo de University, kung saan pumasa siya sa kursong Development Studies.
Tanong ni Aiko sa anak ay ano ang nilu-look forward nito sa pagpasok niya sa nasabing unibersidad.
“Definitely I look forward to learning more sa school na ‘yun especially with the values that they have with their students,” sagot ng anak ng aktres-cum politician.
Ano ang pinag-aaralan sa Development Studies?
“It’s like a multidisciplinary course on law, politics and economics. At least, if I have a grant on those areas all at once,” sey ng dalaga.
Tanong ng proud mom ni Marthena, “Do you want to become a lawyer?”
“Actually, right now, that’s what I’d like to see myself doing in the future. Pero it’s a long time coming, so, I still have a lot of years to think about it, so, sana,” saad pa ng dalaga.
Kamakailan ay kumuha ng crash course si Marthena sa Somerville College, University of Oxford, England na may kinalaman sa Law, na sa madaling salita ay ito talaga ang gusto ng bunso ni Aiko.
Tanong ulit ng ina, “Bakit lawyer?”
“Actually, I think it was also your influence, eh, kasi you’re in public service, there’s law din,” mabilis na sabi ng "Mini-Me" ni Konsi Aiko.
Nakikita rin ba ni Marthena na magsisilbi siya sa bayan pagdating ng tamang panahon?
“That’s out of the picture, pero siyempre, iba (pakiramdam) kapag nakakatulong ka sa mga tao when you’re in public service, so, I’d like to help others as well. I just don’t know if it’s todo na sa public service or behind the scenes, so, any kind of that I can offer, I’m willing to do,” paliwanag ng magandang kapatid ni Andre.
Varsity player ng volleyball si Marthena noong nasa high school siya sa Poveda at magta-try-out siya sa Ateneo for scholarship para magtuluy-tuloy siya where she plays center na dating spiker.
Isa pang tanong ni Aiko, ano'ng pakiramdam ng anak kapag sinasabing "Kamukha ka ng mommy mo?"
“Siyempre, it’s a compliment kasi maganda ka, eh, hahaha!” tumawang sagot ng dalaga sabay high five nilang mag-ina.
Sabay sabi ni Aiko, “Anak ko nga ito, magaling mambola.”
Sa mga hindi nakakaalam ay istrikto si Aiko sa mga anak, pero dahil lalaki si Andre kaya nakakalusot.
Kaya tanong ni Aiko, gagawin din ba ito ng bunso niya ngayong nasa legal age na?
“Actually, Mom, ‘di ‘to joke, pero never pa akong tumakas, (kasi) ‘yung kunsensiya kong tumakas, ha, ha, ha!” tawang-tawa na kuwento ni Marthena.
May pressure ba sa dalaga kapag naririnig na anak ni Aiko Melendez?
“Siyempre, hindi matatanggal na you have your own name and your reputation that we have to protect and all that, and kami ni Kuya, parati naming iniisip na kapag nand’yan ka, we have to be good and ‘yung itinuro mo sa ‘min na parating maging mabait. So, I feel like we always have to put our best foot forward in anything,” esplika ni Marthena.
Napaamin ni Aiko na may regret ang anak dahil hindi siya pinayagang mag-aral sa ibang bansa kung saan limang eskuwelahan ang naipasa niya ang entrance exam.
“I have plan to (study) abroad din ng college and I got accepted pero siyempre, iniisip pa rin ni Mama na I’m still her baby girl, ‘yung emotional attachment which 100% I understand pero siyempre, iniisip ko na what if ipinagpatuloy ko, pero I know naman to myself na where I am now exactly where I need to be,” pagtatapat ng magandang anak ni Aiko.
Say ni Aiko, “Pero naiintindihan mo naman si Mama na bakit hindi muna kita papayagan? I know isa ‘yun sa mga naiisip ko 'pag mag-isa ako na dapat ba, pinayagan ko s’ya (Marthena) na mag-abroad mag-isa to be independent or hindi pa kasi kaya?
“Naiintindihan mo naman siguro ang rason ko why hindi muna for now. Hindi ko naman kino-close ‘yung opportunity mo to fly abroad and to study there kasi napatunayan natin na ilang eskuwelahan, natanggap ka (3 sa UK at 2 sa US).
“Hindi ko pa kasi kayang i-let go (Marthena) kasi nga babae at alam mo naman ‘yung attachment namin sa ‘yo ay iba rin, ‘di ba?”
Hindi naman masisisi si Aiko na maghigpit sa mga anak dahil nga single mom siya at lagi pang nasa work kaya nagpapasalamat siya sa Mommy Elsie Castañeda niya na lola ng dalawang anak na nag-aalaga sa kanila in her absence.
Maging si Marthena ay nagpapasalamat sa Lola Elsie niya dahil pinalaki silang mabubuting bata na dati’y mataray siyang magsasagot noong bata pa siya, pero ngayon ay hindi na dahil lagi niyang nakikitang humble at mahinahong magsalita ang mommy ng mama niya.
Kaya nang magbakasyon sa US si Marthena sa tita niya na kapatid ni Aiko ay marami siyang natutunan mula sa paglilinis ng bahay at iba pa, unlike 'pag nandito sa Pilipinas na wala siyang ginagawa dahil may mga kasama sila sa bahay na gumagawa nito.
Comments