top of page
Search
  • BULGAR

Anak nakapatay ng 4 sa iskul, mga magulang 15 yrs. kulong

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 10, 2024




Hinatulan ng 10 hanggang 15 taong pagkakakulong ang mga magulang ng isang binatilyong pumatay sa apat na mag-aaral sa Oxford, Michigan, nu'ng 2021, sa isang school shooting.


Sina James at Jennifer Crumbley ay mahigit dalawang taon nang nakabilanggo bago maganap ang pamamaril ng kanilang anak.


Bagaman sila ay hinatulan nang hiwalay, ang pagpapasiya para sa dalawa ay naganap nang magkasama sa isang Korte sa Oakland County.


Sila ang unang mga magulang na pinanagot sa pamamaril sa paaralan na ginawa ng kanilang anak.


Samantala, humaharap pa rin ang nasabing bansa sa suliranin sa school shooting.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page