Anak mo, Piolo, shocked na shocked… IÑIGO, GUSTONG MAKA-SHOWDOWN NG AIR SUPPLY

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 4, 2021

Napatanga at hindi halos makapaniwala si Iñigo Pascual nang makita niya sa kanyang virtual interview ang iconic Air Supply duo na sina Graham Russel and Russell Hitchcock last Monday.
Si Iñigo ang special guest sa Myxclusive online interview ng MYX Philippines at isa sa mga napag-usapan nila ay ang bago niyang single na All Out of Love na as we all know ay classic hit ng Air Supply.
Sa gitna ng interview ay bigla na lang inanunsiyo ng DJ na makakasama nila ang rock duo mismo at um-appear na nga sa screen ang dalawa.
Kitang-kita talaga sa reaksiyon ni Iñigo na para siyang namalik-mata at gulat na gulat.
“Oh, what???” sabi niya. “Nice to meet you guys, this is crazy,” sey pa niya na halatang hindi pa rin makapaniwala.
Ang pinakamagandang parte na for sure ay sobrang ikina-happy ni Iñigo ay nang purihin ng dalawa ang kanyang rendition ng All Out of Love.
“I heard your version of All Out of Love and it’s fantastic, I love it,” sabi ni Graham.
“Yep,” pag-ayon naman ni Russel sabay senyas ng two thumbs up.
“I’m out of words right now, I don’t know what to say,” ang masayang wika ni Iñigo.
Kuwento naman ng anak ni Piolo Pascual, sobrang proud siya na i-record ang kanta ng Air Supply at lumaki raw siyang pinakikinggan ang mga songs ng rock duo.
“And honestly right now, I’m freakin’ out that I’m even talking it in front of them,” aniya.
Isa pang nakakatuwa ay nang imbitahan ng Air Supply si Iñigo na samahan sila sa stage na kantahin ang naturang kanta kapag pumunta sila sa 'Pinas.
“We’re very happy that you were able to record it but maybe when we come to the Philippines next time, you can sing it with us on stage,” sabi ni Graham.
“Oh my, it’s crazy, that would be a dream come true,” sey naman ni Iñigo.
“That’s an open offer for you certainly,” sey naman ni Russel.
We’re sure, proud na proud si Papa P. sa kanyang anak.





Comments